Add parallel Print Page Options

31 Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga, na sinasabi, (A)Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang (B)butil ng binhi ng mostasa, na kinuha ng isang tao, at inihasik sa kaniyang bukid:

32 Na siya ngang lalong maliit sa lahat ng mga binhi; datapuwa't nang tumubo, ay lalong malaki kay sa mga gulay, at nagiging punong kahoy, ano pa't nagsisiparoon ang mga ibon sa langit at sumisilong sa kaniyang mga sanga.

Read full chapter

18 Sinabi nga niya, (A)Sa ano tulad ang kaharian ng Dios? at sa ano ko itutulad?

19 Tulad sa isang butil ng mostasa na kinuha ng isang tao, at inihagis sa kaniyang sariling halamanan; at ito'y sumibol, at naging isang punong kahoy; at humapon sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit.

Read full chapter