Add parallel Print Page Options

14 Natutupad(A) nga sa kanila ang propesiya ni Isaias, na nagsasabi:

‘Sa pakikinig kayo'y makakarinig, ngunit kailanma'y hindi makakaunawa,
    at sa pagtingin kayo'y titingin, ngunit kailanma'y hindi makakabatid.
15 Sapagkat naging manhid na ang puso ng bayang ito,
    at mahirap nang makarinig ang kanilang mga tainga,
    at ipinikit nila ang kanilang mga mata;
baka ang kanilang mga mata'y makakita,
    at makarinig ang kanilang mga tainga,
at makaunawa ang puso nila,
    at manumbalik sa akin, at sila'y aking pagalingin.’

Read full chapter

12 upang(A) kung sa pagtingin ay hindi sila makakita; at sa pakikinig ay hindi sila makaunawa, baka sila'y magbalik-loob at mapatawad.”

Read full chapter

10 sinabi(A) niya, “Sa inyo ipinagkaloob na malaman ang mga hiwaga ng kaharian ng Diyos; subalit sa iba'y nagsasalita ako sa mga talinghaga upang sa pagtingin ay hindi sila makakita, at sa pakikinig ay hindi sila makaunawa.

Read full chapter

40 “Binulag(A) niya ang kanilang mga mata,
    at pinatigas niya ang kanilang mga puso;
upang sila'y huwag makakita sa pamamagitan ng kanilang mga mata,
    at makaunawa sa pamamagitan ng kanilang puso, at magbalik-loob,
at sila'y pagalingin ko.”

Read full chapter

26 ‘Pumaroon(A) ka sa bayang ito, at sabihin mo,
tunay na inyong mapapakinggan, ngunit hindi kailanman mauunawaan,
    tunay na inyong titingnan ngunit hindi ninyo mamamasdan.
27 Sapagkat pumurol na ang puso ng bayang ito,
    at mahirap nang makarinig ang kanilang mga tainga,
    at pumikit na ang kanilang mga mata;
    baka sila'y makakita sa kanilang mga mata,
    at makarinig sa kanilang mga tainga,
at makaunawa sa kanilang puso, at magbalik-loob,
    at sila'y aking pagalingin.’

Read full chapter