Add parallel Print Page Options

Ang mga Sinugo ni Juan na Tagapagbautismo(A)

11 Nang matapos pagbilinan ni Jesus ang kanyang labindalawang alagad, umalis siya roon upang magturo at mangaral sa mga bayan nila.

Nang marinig ni Juan sa bilangguan ang mga gawa ng Cristo, nagpasabi siya sa pamamagitan ng kanyang mga alagad,

at sinabi sa kanya, “Ikaw ba iyong darating o maghihintay kami ng iba?”

Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Humayo kayo at sabihin ninyo kay Juan ang inyong naririnig at nakikita:

Ang(B) mga bulag ay nakakakita, ang mga pilay ay nakakalakad, ang mga ketongin ay nalilinis, ang mga bingi ay nakakarinig, at ang mga patay ay muling binubuhay at ipinangangaral sa mga dukha ang magandang balita.

Mapalad ang sinumang hindi natitisod sa akin.”

Habang papaalis na ang mga ito, nagpasimulang magsalita si Jesus sa maraming tao tungkol kay Juan: “Ano ang pinuntahan ninyo sa ilang upang makita? Isa bang tambo na inuuga ng hangin?

Ngunit ano ang pinuntahan ninyo upang makita? Isa bang taong nakasuot ng malalambot na damit? Tingnan ninyo, ang mga nagsusuot ng malambot na damit ay nasa mga bahay ng mga hari.

Ngunit ano ang pinuntahan ninyo upang makita? Isa bang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, at higit pa kaysa isang propeta.

10 Ito(C) yaong tungkol sa kanya ay nasusulat,

‘Narito, ipinapadala ko ang aking sugo na nauuna sa iyo,
    na maghahanda ng iyong daan sa harapan mo.’

11 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, sa mga ipinanganak ng mga babae ay wala pang lumitaw ni isa na higit na dakila kaysa kay Juan na Tagapagbautismo; gayunman, ang pinakamaliit sa kaharian ng langit ay higit na dakila kaysa kanya.

12 Mula(D) sa mga araw ni Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay sapilitang pinapasok at sinasakop ng mga taong mararahas.

13 Sapagkat ang lahat ng mga propeta at ang kautusan ay nagpropesiya hanggang kay Juan;

14 at(E) kung ibig ninyong tanggapin, siya si Elias na darating.

15 Ang may pandinig ay makinig.

16 “Ngunit sa ano ko ihahambing ang lahing ito? Ito ay tulad sa mga batang nakaupo sa mga pamilihan na tumatawag sa kanilang mga kasama,

17 na sinasabi, ‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw; tumangis kami, ngunit hindi kayo nahapis.’

18 Sapagkat dumating si Juan na hindi kumakain o umiinom at sinasabi nila, ‘Mayroon siyang demonyo.’

19 Dumating ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, ‘Tingnan ninyo, ang isang taong matakaw at isang maglalasing, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!’ Ngunit ang karunungan ay pinapagtibay ng kanyang mga gawa.”[a]

Babala sa mga Lunsod na Di-nagsisi(F)

20 Kaya't pinasimulan niyang sumbatan ang mga lunsod na ginawan niya ng karamihan sa kanyang mga makapangyarihang gawa sapagkat hindi sila nagsisi.

21 “Kahabag-habag(G) ka, Corazin! Kahabag-habag ka, Bethsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa inyo, matagal na sana silang nagsisi na may damit-sako at abo.

22 Ngunit sinasabi ko sa inyo, higit pang mapagtitiisan sa araw ng paghuhukom ang Tiro at Sidon kaysa inyo.

23 At(H) ikaw, Capernaum, itataas ka ba hanggang sa langit? Ibababa ka hanggang sa Hades. Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa iyo, nanatili sana iyon hanggang sa araw na ito.

24 Ngunit(I) sinasabi ko sa inyo, higit pang mapapagtiisan sa araw ng paghuhukom ang lupain ng Sodoma kaysa inyo.”

Ang Dakilang Paanyaya(J)

25 Nang oras na iyon ay sinabi ni Jesus, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol;

26 oo, Ama, sapagkat gayon ang mapagpala mong kalooban.[b]

27 Ang(K) lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at walang nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at sinumang piliin ng Anak na pagpahayagan niya.

28 Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.

29 Pasanin(L) ninyo ang aking pamatok, at matuto kayo sa akin; sapagkat ako'y maamo at may mapagpakumbabang puso at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa.

30 Sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang aking pasan.”

Footnotes

  1. Mateo 11:19 Sa ibang mga kasulatan ay mga anak (ihambing sa Lucas 7:35) .
  2. Mateo 11:26 o sapagkat iyon ang kalugud-lugod sa iyong paningin .

Ang mga Sinugo ni Juan na Tagapagbautismo(A)

11 Matapos pagbilinan ni Jesus ang kanyang labindalawang alagad, nilisan niya ang lugar na iyon upang magturo at mangaral sa kanilang mga bayan. Nang mabalitaan ni Juan, na noon ay nasa bilangguan, ang tungkol sa mga gawa ng Cristo, nagsugo siya ng kanyang mga alagad, at ipinatanong, “Ikaw na ba ang darating, o maghihintay pa kami ng iba?” Sumagot si Jesus sa kanila, “Pagbalik ninyo kay Juan ay sabihin ninyo sa kanya ang inyong mga naririnig at nakikita. Nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga paralitiko, nagiging malinis ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, binubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga dukha ang Magandang Balita. Pinagpala ang sinumang hindi natitisod dahil sa akin.” Habang sila'y umaalis, nagsimulang magsalita si Jesus sa napakaraming tao tungkol kay Juan: “Ano ang pinuntahan ninyo sa ilang upang inyong makita? Isa bang tambo na inuuga ng hangin? Ngunit ano ang pinuntahan ninyo upang makita? Isa bang taong nakasuot ng mga mamahaling damit? "Nasa mga palasyo ng mga hari ang mga nagsusuot ng magagarang kasuotan." At ano nga ba ang pinuntahan ninyo upang makita? Isa bang propeta? Oo, at sinasabi ko sa inyo, higit pa sa isang propeta. 10 Siya ang tinutukoy ng nasusulat,

‘Tingnan ninyo, isinusugo ko ang aking sugo, na mauuna sa iyo,
    na maghahanda ng iyong daraanan.’

11 Tinitiyak ko sa inyo, sa mga isinilang ng mga babae ay wala pang lumitaw na mas dakila kay Juan na Tagapagbautismo. Gayunman, ang pinakahamak sa kaharian ng langit ay mas dakila kaysa kanya. 12 Mula pa sa kapanahunan ni Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay dumaranas ng karahasan at sapilitang kinukuha ng mga taong marahas. 13 Sapagkat ang lahat ng mga propeta at ang Kautusan ay nagsalita ng propesiya hanggang kay Juan, 14 at kung nais ninyong tanggapin, siya ay si Elias na darating. 15 Makinig ang mga may pandinig!

16 “At sa ano ko naman ihahambing ang mga tao sa panahong ito? Ang katulad nila'y mga batang nakaupo sa mga palengke at tumatawag sa kanilang mga kalaro,

17 ‘Tumugtog kami ng plauta para sa inyo, ngunit hindi naman kayo sumayaw;
    umawit kami ng himig pagluluksa, ngunit hindi naman kayo umiyak.’

18 Sapagkat naparito si Juan na hindi kumakain ni umiinom, ngunit sinasabi nila, ‘Sinasaniban siya ng demonyo.’ 19 Naparito ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, ‘Tingnan ninyo siya! Matakaw at manginginom, kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!’ Subalit ang karunungan ay pinatutunayang tama sa pamamagitan ng kanyang mga gawa.”

Babala sa mga Lungsod na Di-nagsisi(B)

20 Pagkatapos nito'y sinimulan niyang sumbatan ang mga lungsod na ginawan niya ng karamihan sa kanyang mga himala, sapagkat hindi nagsisi ang mga tao roon. 21 “Kaysaklap ng sasapitin mo, Corazin! Kaysaklap ng sasapitin mo, Bethsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sana silang nagsisi na nakasuot ng damit-sako at may abo sa ulo. 22 Ngunit sinasabi ko sa inyo, mas kahahabagan pa sa araw ng paghuhukom ang Tiro at Sidon kaysa sa inyo. 23 At ikaw Capernaum, sa akala mo ba'y itataas ka sa langit? Ibababa ka sa daigdig ng mga patay.[a] Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang mga himalang ginawa sa iyo, nakatayo pa sana hanggang ngayon ang bayang iyon. 24 Ngunit sinasabi ko sa inyo, mas kahahabagan pa sa araw ng paghuhukom ang lupain ng Sodoma kaysa sa inyo.”

Ang Dakilang Paanyaya(C)

25 Nang sandaling iyon ay sinabi ni Jesus, “Salamat sa iyo, Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, dahil inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at may pinag-aralan, ngunit ipinaalam mo sa mga musmos. 26 Oo, Ama, sapagkat kalugud-lugod iyon sa iyong paningin. 27 Lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama. Walang nakakakilala sa Anak maliban sa Ama at walang nakakakilala sa Ama maliban sa Anak at sa sinumang piliin ng Anak na pagpahayagan niya. 28 Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagod at may mabigat na pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. 29 Ang aking pamatok ay inyong pasanin, at kayo'y matuto sa akin, sapagkat ako'y maamo at may mapagpakumbabang puso, at matatagpuan ninyo ang kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa. 30 Sapagkat ang aking pamatok ay madaling dalhin, at magaan ang aking pasanin.”

Footnotes

  1. Mateo 11:23 Sa Griyego, Hades.

11 At nangyari, na nang matapos nang masabi ni Jesus ang kaniyang mga utos sa kaniyang labingdalawang alagad, ay umalis siya roon upang magturo at mangaral sa mga bayan nila.

(A)Nang marinig nga ni Juan (B)sa bilangguan ang mga gawa ni Cristo, ay nagpasugo siya sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad,

At sinabi sa kaniya, Ikaw baga (C)yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?

At sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangaririnig at nangakikita:

Ang mga bulag ay nangakakakita, (D)ang mga pilay ay nangakalalakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, at ang mga patay ay ibinabangon, at (E)sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita.

At mapalad ang sinomang hindi (F)makasumpong ng anomang katitisuran sa akin.

At samantalang ang mga ito'y nagsisiyaon ng kanilang lakad, ay nagpasimula si Jesus na magsalita sa mga karamihan tungkol kay Juan, Ano ang nilabas ninyo upang masdan (G)sa ilang? (H)isang tambo na inuuga ng hangin?

Datapuwa't ano ang nilabas ninyo upang makita? isang taong nararamtan ng mga damit na maseselan? Narito, ang mga nagsisipanamit ng maseselan ay nangasa mga bahay ng mga hari.

Datapuwa't ano ang nilabas ninyo? upang makita ang isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, (I)at lalo pang higit kay sa isang propeta.

10 Ito yaong tungkol sa kaniya'y nasusulat,

(J)Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha,
Na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo.

11 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Sa gitna ng mga ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista: gayon man ang lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kay sa kaniya.

12 At mula sa (K)mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas.

13 Sapagka't ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hanggang kay Juan ay nagsipanghula.

14 At kung ibig ninyong tanggapin, ay (L)siya'y si Elias na paririto.

15 Ang may mga pakinig upang ipakinig, ay (M)makinig.

16 Datapuwa't sa ano ko itutulad ang lahing ito? Tulad sa mga batang nangakaupo sa mga pamilihan, na sinisigawan ang kanilang mga kasama.

17 At sinasabi, Tinutugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo nagsisisayaw; nagsipanambitan kami, at hindi kayo nangahapis.

18 Sapagka't naparito si Juan na (N)hindi kumakain o umiinom (O)man, at sinasabi nila, Siya'y mayroong demonio.

19 Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, Narito, ang isang matakaw na tao at isang manginginom ng alak, isang (P)kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan! (Q)At ang karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa.

20 Nang magkagayo'y (R)kaniyang pinasimulang sumbatan ang mga bayan na pinaggagawan niya ng lalong marami sa kaniyang mga gawang makapangyarihan, sapagka't hindi sila nangagsisi.

21 Sa aba mo, Corazin! sa aba mo, (S)Bethsaida! sapagka't kung sa (T)Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihan na ginawa sa inyo, malaon na dising nangagsisi na may mga damit na magaspang at abo.

22 Nguni't sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan (U)ang Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom, kay sa inyo.

23 At ikaw, Capernaum, (V)magpapakataas ka baga hanggang sa langit? ibababa ka hanggang sa Hades: sapagka't kung sa Sodoma sana ginawa ang mga makapangyarihang gawang sa iyo'y ginawa, ay nanatili sana siya hanggang sa araw na ito.

24 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma sa araw ng paghuhukom, kay sa iyo.

25 Nang panahong yaon ay (W)sumagot si Jesus at sinabi, Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito (X)sa mga pantas at matatalino, at (Y)ipinahayag mo sa mga sanggol:

26 Oo nga, Ama, sapagka't gayon ang nakalugod sa iyong paningin.

27 (Z)Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at sinoma'y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at sinoma'y hindi nakakakilala sa Ama, (AA)kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.

28 Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin.

29 Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: (AB)at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.

30 Sapagka't (AC)malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.