Add parallel Print Page Options

(A)Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito: Ang una'y si Simon (B)na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid; si (C)Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan;

Si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si (D)Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo;

Si Simon na Cananeo, (E)at si Judas (F)Iscariote, na siya ring sa kaniya'y nagkanulo.

Read full chapter

Narito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: una ay si Simon, na tinaguriang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kapatid niyang si Juan; sina Felipe at Bartolome; sina Tomas at Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simon na Cananeo, at si Judas Iscariote, ang nagkanulo kay Jesus.

Read full chapter

14 Si Simon, na tinawag naman niyang Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, at si Santiago at si Juan, at si Felipe at si Bartolome.

15 At si Mateo at si Tomas, at si Santiago anak ni Alfeo, at si Simon, na tinatawag na (A)Masikap,

16 At (B)si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging lilo;

Read full chapter

14 Ang mga ito ay sina Simon na tinawag niyang Pedro, si Andres na kapatid nito; sina Santiago at Juan; sina Felipe, Bartolome, 15 Mateo, at Tomas; si Santiago na anak ni Alfeo; si Simon na tinawag na Makabayan; 16 si Judas na anak ni Santiago; at si Judas Iscariote, na naging taksil.

Read full chapter

13 At nang sila'y magsipasok sa bayan, ay nagsiakyat sila (A)sa silid sa itaas, na kinatitirahan nila; ni (B)Pedro at ni Juan at ni Santiago at ni Andres, ni Felipe at ni Tomas, ni Bartolome at ni Mateo, ni Santiago na anak ni Alfeo, at ni Simong Masikap, at ni Judas na anak ni Santiago.

Read full chapter

13 Nang makapasok sila sa lungsod, tumuloy sila sa silid sa itaas na pansamantala nilang tinitirhan. Ang mga ito ay sina Pedro, Juan, Santiago, Andres, Felipe, Tomas, Bartolome, Mateo, Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na Makabayan, at si Judas na anak ni Santiago.

Read full chapter