Add parallel Print Page Options

17 Datapuwa't mangagpakaingat kayo sa mga tao: sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga (A)Sanedrin at kayo'y hahampasin (B)sa kanilang mga sinagoga;

18 Oo at (C)kayo'y dadalhin sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin, sa pagpapatotoo sa kanila at sa mga Gentil.

19 Datapuwa't pagka kayo'y ibinigay nila, (D)huwag ninyong ikabalisa kung paano o kung ano ang inyong sasabihin: (E)sapagka't sa oras na yaon ay ipagkakaloob sa inyo ang inyong sasabihin.

20 Sapagka't (F)hindi kayo ang mangagsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang sa inyo'y magsasalita.

21 At ibibigay (G)ng kapatid ang kapatid sa kamatayan, at ng ama ang kaniyang anak: at mangaghihimagsik ang mga anak laban sa kanilang mga magulang, at sila'y ipapapatay.

22 (H)At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.

Read full chapter