Add parallel Print Page Options

Ang Pampaalsang Ginagamit ng mga Pariseo at ni Herodes(A)

14 Nakalimutan ng mga alagad na magdala ng tinapay; iisa lang ang kanilang tinapay sa bangka. 15 Sinabi(B) ni Jesus sa kanila, “Mag-ingat kayo sa pampaalsang kinakalat ng mga Pariseo at ni Herodes.” 16 Sabi nila sa isa't isa, “Wala kasi tayong dalang tinapay kaya sinabi niya iyon.”

17 Dahil alam ni Jesus ang kanilang pinag-uusapan, sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo pinag-uusapang kayo'y walang dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaintindi? Hindi pa ba ito abot ng inyong isip? 18 Wala(C) ba kayong mata? Bakit hindi kayo makakita? Wala ba kayong tainga? Bakit hindi kayo makarinig? Hindi ba ninyo naaalala 19 nang paghati-hatiin ko ang limang tinapay para sa limanlibong tao? Ilang kaing ang napuno ninyo ng lumabis na pagkain?”

“Labindalawa po,” tugon nila.

20 “At nang paghati-hatiin ko ang pitong tinapay para sa apat na libong tao, ilang kaing ang napuno ninyo?” tanong niya.

“Pito po,” muli nilang sagot.

21 “At hindi pa rin ba ninyo nauunawaan ito?” tanong niya.

Read full chapter

Ang Pampaalsang Gamit ng mga Fariseo at ni Herodes(A)

14 Nakalimutan ng mga alagad[a] na magdala ng tinapay, maliban sa isang tinapay na dala nila sa bangka. 15 Binalaan (B) sila ni Jesus, “Mag-ingat kayo at iwasan ninyo ang pampaalsang gamit ng mga Fariseo at ni Herodes.” 16 Nag-usap-usap ang mga alagad, “Wala kasi tayong dalang tinapay.” 17 Dahil alam ni Jesus ang kanilang pag-uusap, tinanong niya sila, “Bakit ninyo pinag-uusapang wala kayong tinapay? Hindi pa ba ninyo nauunawaan? Manhid ba kayo? 18 Mayroon (C) kayong mga mata, bakit hindi kayo makakita? Mayroon kayong mga tainga, bakit hindi kayo makarinig? Hindi ba ninyo natatandaan 19 nang hati-hatiin ko ang limang tinapay para sa limang libo, ilang kaing ng mga lumabis ang inyong pinulot?” “Labindalawa,” sagot nila. 20 “Nang pagputul-putulin ko ang pitong tinapay para sa apat na libo, ilang kaing ng mga lumabis ang pinulot ninyo?” Sinabi nila sa kanya, “Pito.” 21 “Hindi pa ba ninyo nauunawaan?” tanong ni Jesus.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 8:14 Sa Griyego, nila.