Add parallel Print Page Options

11 At nagsilabas ang mga Fariseo, at nangagpasimulang makipagtalo sa kaniya, na hinahanapan siya ng isang tandang mula sa langit, na tinutukso siya.

12 At (A)nagbuntong-hininga siya ng malalim sa kaniyang espiritu, at nagsabi, Bakit humahanap ng tanda ang lahing ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang tandang ibibigay sa lahing ito.

Read full chapter

16 At ang mga iba sa pagtukso sa kaniya'y (A)hinanapan siya ng isang tanda na mula sa langit.

Read full chapter

29 At nang ang mga karamihan ay (A)nangagkakatipon sa kaniya, ay nagpasimula siyang magsabi, Ang lahing ito'y isang masamang lahi: siya'y humahanap ng isang tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ni Jonas.

Read full chapter

18 Ang mga Judio nga'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, (A)Anong tanda ang maipakikita mo sa amin, yamang ginawa mo ang mga bagay na ito?

Read full chapter

30 Sinabi nga nila sa kaniya, Ano nga ang inyong ginagawa na pinakatanda, upang aming makita, at sampalatayanan ka namin? ano ang ginagawa mo?

Read full chapter