Add parallel Print Page Options

Sinugo ni Jesus ang Labindalawa(A)

Tinawag niya ang labindalawa, at pinasimulang isugo sila na dala-dalawa. Sila'y binigyan niya ng kapangyarihan laban sa mga masasamang espiritu.

At ipinagbilin niya sa kanila na huwag silang magdadala ng anuman sa kanilang paglalakbay maliban sa isang tungkod; walang tinapay, walang balutan, walang salapi sa kanilang mga pamigkis,

kundi magsusuot ng sandalyas at hindi magsusuot ng dalawang tunika.

10 Sinabi niya sa kanila, “Saanmang bahay kayo pumasok, manatili kayo roon hanggang sa umalis kayo roon.

11 Kung(B) (C) mayroong lugar na hindi kayo tanggapin at ayaw kayong pakinggan, sa pag-alis ninyo ay ipagpag ninyo ang alikabok na nasa inyong mga paa bilang patotoo laban sa kanila.”

12 Kaya't sila'y humayo at ipinangaral na ang mga tao ay dapat magsisi.

13 Nagpalayas(D) sila ng maraming demonyo, pinahiran ng langis ang maraming maysakit at pinagaling sila.

Read full chapter

Isinugo ni Jesus ang Labindalawang Alagad(A)

Pagkatapos ay tinipon ni Jesus[a] ang labindalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at awtoridad sa lahat ng mga demonyo at magpagaling ng mga sakit.

Sila'y sinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Diyos at upang magpagaling ng mga may sakit.

At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong magdala ng kahit ano sa inyong paglalakbay, kahit tungkod man, o supot, o tinapay, o salapi, at huwag ding magkaroon ng dalawang tunika.

Sa alinmang bahay kayo pumasok, doon kayo tumigil, at buhat doo'y umalis kayo.

Saanman(B) (C) kayo hindi tanggapin, sa pag-alis ninyo sa bayang iyon ay ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa, bilang patotoo laban sa kanila.”

At sila'y umalis at nagtungo sa lahat ng mga nayon na ipinangangaral ang magandang balita at nagpapagaling ng mga sakit sa lahat ng lugar.

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 9:1 Sa Griyego ay niya .