Add parallel Print Page Options

At (A)hindi siya nakagawa doon ng anomang makapangyarihang gawa, liban sa ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa ilang mga maysakit, at pinagaling sila.

At nanggigilalas siya sa kanilang di pananampalataya. At siya'y lumibot na nagtuturo sa mga nayong nasa paligidligid.

Read full chapter

23 At sinabi niya sa kanila, Walang salang sasabihin ninyo sa akin itong talinghaga, (A)Manggagamot, gamutin mo ang iyong sarili: ang anomang aming narinig na ginawa sa (B)Capernaum, ay gawin mo naman dito sa (C)iyong lupain.

24 At sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (D)Walang propetang kinalulugdan sa kaniyang tinubuang lupa.

25 Datapuwa't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maraming mga baong babai sa Israel nang mga araw ni Elias, nang sarhan ang langit sa loob ng (E)tatlong taon at anim na buwan, noong datnan ng malaking kagutom ang buong sangkalupaan;

26 At sa kanino man sa kanila ay hindi sinugo si Elias, kundi (F)sa Sarepta sa lupa ng Sidon, sa isang babaing bao.

27 At maraming ketongin (G)sa Israel nang panahon ni Eliseo na propeta; at sinoman sa kanila'y hindi nilinis, kundi lamang si Naaman na Siro.

Read full chapter