Add parallel Print Page Options

18 At habang lumululan siya sa daong, ay ipinamamanhik sa kaniya (A)ng inalihan ng mga demonio na siya'y ipagsama niya.

19 At hindi niya itinulot sa kaniya, kundi sa kaniya'y sinabi, Umuwi ka sa iyong bahay sa iyong mga kaibigan, at sabihin mo sa kanila kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa sa iyo ng Panginoon, at kung paanong kinaawaan ka niya.

20 At siya'y yumaon ng kaniyang lakad, at nagpasimulang ihayag sa (B)Decapolis kung gaanong kadakilang mga bagay ang sa kaniya'y ginawa ni Jesus: at nangagtaka ang lahat ng mga tao.

Read full chapter