Add parallel Print Page Options

Ang Pagpili ni Jesus sa Labindalawang Apostol(A)

13 Siya'y umahon sa bundok, at tinawag niya ang kanyang mga naibigan at lumapit sila sa kanya.

14 Humirang siya ng labindalawa na tinawag din niyang mga apostol[a] upang sila'y makasama niya at upang sila'y suguin niyang mangaral,

15 at magkaroon ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo:

16 [Ito ang labindalawang hinirang niya:] si Simon na kanyang pinangalanang Pedro;

17 si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kapatid ni Santiago na tinawag niyang Boanerges, na ang kahulugan ay mga Anak ng Kulog;

18 si Andres, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo, si Simon na Cananeo;

19 at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo sa kanya.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 3:14 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang mga salitang na tinawag din niyang mga apostol .

Ang Pagpili ni Jesus sa Labindalawa(A)

13 Umakyat si Jesus sa bundok, tinawag niya ang kanyang mga pinili, at lumapit ang mga ito sa kanya. 14 Humirang siya ng labindalawa [na tinawag din niyang mga apostol][a] upang sila'y makasama niya at upang sila'y suguin niyang mangaral, 15 at magkaroon ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo. 16 Ito ang labindalawang hinirang niya: si Simon na pinangalanan niyang Pedro; 17 si Santiago at si Juan, mga anak ni Zebedeo na binansagan niyang Boanerges, ibig sabihi'y mga Anak ng Kulog; 18 sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo, si Simon na Cananeo; 19 at si Judas Iscariote na nagkanulo sa kanya.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 3:14 Sa ibang mga manuskrito wala ang mga salitang na tinawag din niyang mga apostol.

13 At siya'y umahon sa bundok, (A)at tinawag niya ang balang kaniyang maibigan: at nagsilapit sila sa kaniya.

14 At naghalal siya ng labingdalawa, upang sila'y makisama sa kaniya, at upang sila'y suguin niyang magsipangaral,

15 At magkaroon ng kapamahalaang magpalayas ng mga demonio:

16 At (B)si Simon ay kaniyang pinamagatang Pedro;

17 At si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kapatid ni Santiago; at sila'y pinamagatan niyang (C)Boanerges, na sa makatuwid baga'y mga Anak ng kulog:

18 At si Andres, at si Felipe, at si Bartolome, at si Mateo, at si Tomas, at si Santiago, na anak ni Alfeo, at si Tadeo, at si Simon ang Cananeo,

19 At si Judas Iscariote, na siya ring nagkanulo sa kaniya. At pumasok siya sa isang bahay.

Read full chapter

Hinirang ni Jesus ang Labindalawang Apostol(A)

12 Nang mga araw na iyon, siya ay nagtungo sa bundok upang manalangin at ginugol ang buong magdamag sa pananalangin sa Diyos.

13 Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad at siya'y pumili mula sa kanila ng labindalawa na itinalaga niyang mga apostol:

14 si Simon, na tinawag niyang Pedro, si Andres na kanyang kapatid, si Santiago, si Juan, si Felipe, si Bartolome,

15 si Mateo, si Tomas, si Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na tinatawag na Masigasig,[a]

16 at si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging taksil.

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 6:15 MASIGASIG: Miyembro ng isang makabayang pangkat laban sa pamahalaang Romano.

Ang Pagtawag sa Labindalawa(A)

12 Nang mga araw na iyon, umakyat sa bundok si Jesus upang manalangin. Magdamag siyang nanalangin sa Diyos. 13 Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad at pumili siya sa kanila ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol. 14 Ang mga ito ay sina Simon na tinawag niyang Pedro, si Andres na kapatid nito; sina Santiago at Juan; sina Felipe, Bartolome, 15 Mateo, at Tomas; si Santiago na anak ni Alfeo; si Simon na tinawag na Makabayan; 16 si Judas na anak ni Santiago; at si Judas Iscariote, na naging taksil.

Read full chapter

12 At nangyari nang mga araw na ito, (A)na siya'y napasa bundok upang manalangin; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios.

13 At nang araw na, ay (B)tinawag niya ang kaniyang mga alagad; (C)at siya'y humirang ng labingdalawa sa kanila, na tinawag naman niyang mga apostol:

14 Si Simon, na tinawag naman niyang Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, at si Santiago at si Juan, at si Felipe at si Bartolome.

15 At si Mateo at si Tomas, at si Santiago anak ni Alfeo, at si Simon, na tinatawag na (D)Masikap,

16 At (E)si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging lilo;

Read full chapter