Add parallel Print Page Options

15 At sinabi niya sa kanila, (A)Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.

16 (B)Ang sumasampalataya at (C)mabautismuhan ay maliligtas; (D)datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.

17 At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio (E)sa aking pangalan; (F)mangagsasalita sila ng mga bagong wika;

18 (G)Sila'y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; (H)ipapatong nila ang kanilang mga kamay (I)sa mga may-sakit, at sila'y magsisigaling.

19 Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay (J)tinanggap sa itaas ng langit, at (K)lumuklok sa kanan ng Dios.

20 At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga (L)tandang kalakip. Siya nawa.

Read full chapter