Add parallel Print Page Options

Ang Pagkamatay ni Jesus(A)

33 Nang dumating ang tanghaling tapat, nagdilim sa buong lupain hanggang sa ikatlo ng hapon.

34 (B) Nang ikatlo ng hapon ay sumigaw si Jesus nang may malakas na tinig, “Eloi, Eloi, lama sabacthani?” na ang kahulugan ay, “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”

35 Nang marinig ito ng ilang nakatayo roon, ay sinabi nila, “Tingnan ninyo, tinatawag niya si Elias.”

36 Tumakbo(C) ang isa, binasa ng suka ang isang espongha, inilagay sa isang tungkod, at ipinainom sa kanya na sinasabi, “Pabayaan ninyo; tingnan natin kung darating si Elias upang siya'y ibaba.”

37 Si Jesus ay sumigaw nang malakas at nalagutan ng hininga.

38 Ang(D) tabing ng templo ay nahati sa dalawa, mula sa itaas hanggang sa ibaba.

39 Ang senturion na nakatayong malapit sa harap niya, nang makitang nalagot ang kanyang hininga sa ganitong paraan ay nagsabi, “Tunay na ang taong ito ay Anak ng Diyos.”[a]

40 At(E) mayroon din namang mga babae na nakatanaw mula sa malayo; kabilang sa kanila ay si Maria Magdalena, si Mariang ina ni Santiago na mas bata at ni Jose, at si Salome;

41 na nang siya'y nasa Galilea, ay sumunod sa kanya at naglingkod sa kanya; at marami pang ibang mga babae na umahong kasama niya sa Jerusalem.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 15:39 o isang anak ng Diyos .

Ang Kamatayan ni Jesus(A)

44 Nang magtatanghaling-tapat na, nagdilim sa ibabaw ng buong lupain hanggang sa ikatlo ng hapon,

45 habang(B) madilim ang araw; at napunit sa gitna ang tabing ng templo.

46 Si(C) Jesus ay sumigaw ng malakas at nagsabi, “Ama, sa mga kamay mo ay inihahabilin ko ang aking espiritu.” At pagkasabi nito ay nalagot ang kanyang hininga.

47 Nang makita ng senturion ang nangyari, pinuri niya ang Diyos at sinabi, “Tunay na ito'y isang taong matuwid.”

48 At ang lahat ng mga taong nagkatipon upang makita ang panoorin, nang makita nila ang mga bagay na nangyari ay umuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib.

49 At(D) ang lahat ng mga kakilala niya at ang mga babaing sa kanya'y sumunod buhat sa Galilea ay nakatayo sa malayo at nakita ang mga bagay na ito.

Read full chapter

Ang Kamatayan ni Jesus(A)

28 Pagkatapos(B) nito, sapagkat alam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na, ay sinabi niya (upang matupad ang kasulatan), “Nauuhaw ako.”

29 Mayroon doong isang sisidlang punô ng maasim na alak, kaya't naglagay sila ng isang esponghang basa ng suka[a] sa isang sanga ng isopo,[b] kanilang inilagay sa kanyang bibig.

30 Nang matanggap ni Jesus ang suka[c] ay sinabi niya, “Natupad na.” At itinungo ang kanyang ulo, at siya ay namatay.[d]

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 19:29 o maasim na alak .
  2. Juan 19:29 Tingnan sa Talaan ng mga Salita.
  3. Juan 19:30 o maasim na alak .
  4. Juan 19:30 Sa Griyego ay ibinigay ang kanyang espiritu .