Add parallel Print Page Options

10 Oh kung mayroon sana sa inyo na magsara ng mga pinto, upang huwag ninyong mangapaningasan ang apoy sa aking dambana ng walang kabuluhan! Hindi ko kayo kinalulugdan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ni tatanggap man ako ng handog (A)sa inyong kamay.

11 Sapagka't (B)mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, (C)magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; (D)at sa bawa't dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: (E)sapagka't ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

12 Nguni't inyong nilapastangan na inyong sinasabi, Ang dulang ng Panginoon ay (F)nadumhan, at ang laman niyaon, sa makatuwid baga'y ang hain doon ay hamak.

Read full chapter