Add parallel Print Page Options

11 Sapagka't (A)mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, (B)magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; (C)at sa bawa't dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: (D)sapagka't ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Read full chapter

29 At sila'y magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at sa timugan at sa hilagaan, at magsisiupo sa kaharian ng Dios.

Read full chapter

At upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan; gaya ng nasusulat,

(A)Kaya nga't ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil.
At aawit ako sa iyong pangalan.

10 At muling sinasabi niya,

(B)Makigalak kayo, kayong mga Gentil, sa kaniyang bayan.

11 At muli,

(C)Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Gentil;
At purihin siya ng lahat ng mga bayan.

12 At muli, sinasabi ni Isaias,

(D)Magkakaroon ng ugat kay Jesse,
At siya'y lilitaw upang maghari sa mga Gentil;
Ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil.

Read full chapter

14 Upang sa mga Gentil ay dumating ang pagpapala ni Abraham na kay Cristo Jesus; upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay tanggapin natin (A)ang pangako ng Espiritu.

Read full chapter