Lucas 23:34
Ang Biblia (1978)
34 At sinabi ni Jesus, (A)Ama, (B)patawarin mo sila; sapagka't (C)hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At (D)sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan.
Read full chapter
Juan 19:23-24
Ang Biblia (1978)
23 (A)Ang mga kawal nga, nang si Jesus ay kanilang maipako na sa krus, ay kanilang kinuha ang kaniyang mga kasuutan at pinagapat na bahagi, sa bawa't kawal ay isang bahagi; at gayon din naman ang tunika: at ang tunika ay (B)walang tahi, na hinabing buo mula sa itaas.
24 Nangagsangusapan nga sila, Huwag natin itong punitin, kundi ating pagsapalaranan, kung mapapakanino: upang matupad ang kasulatan, na nagsasabi,
(C)Binahagi nila sa kanila ang aking mga kasuutan,
At ang aking balabal ay kanilang pinagsapalaran.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978