Add parallel Print Page Options

45 At (A)pumasok siya sa templo, at pinasimulang itaboy sa labas ang mga nangagbibili,

46 Na sinasabi sa kanila, Nasusulat nga, (B)At ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan: datapuwa't (C)ginawa ninyong yungib ng mga tulisan.

47 At nagtuturo siya araw-araw sa templo. Datapuwa't ang mga pangulong saserdote, at ang mga eskriba, at ang mga taong pangunahin sa bayan ay nangagsisikap na siya'y patayin:

Read full chapter