Add parallel Print Page Options

10 At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; (A)upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa.

Read full chapter

At pagkakuha niya ng aklat, (A)ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may (B)alpa, at mga (C)mangkok na ginto na puno ng kamangyan, (D)na siyang mga panalangin ng mga banal.

Read full chapter

At dumating ang ibang anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak na (A)isang gintong pangsuob ng kamangyan; at binigyan siya ng maraming kamangyan, upang idagdag ito sa (B)mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw (C)ng dambanang ginto, na nasa harapan ng luklukan.

At ang usok ng kamangyan, kalakip ng mga panalangin ng mga banal, ay napailanglang mula sa kamay ng anghel, sa harapan ng Dios.

Read full chapter