Add parallel Print Page Options

At si Jose naman ay umahon mula sa (A)Galilea, mula sa bayan ng Nazaret, hanggang sa Judea, (B)sa bayan ni David, na kung tawagi'y Bet-lehem, (C)sapagka't siya'y sa angkan at sa lahi ni David;

Read full chapter

Pumunta rin si Jose mula sa bayan ng Nazareth ng Galilea patungong Judea, sa lungsod ni David na kung tawagin ay Bethlehem dahil siya ay mula sa lipi at sambahayan ni David.

Read full chapter

At nangyari, samantalang sila'y (A)nangaroroon, at naganap ang mga kaarawang dapat siyang manganak.

At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para kanila sa tuluyan.

Read full chapter

Habang sila'y naroroon, dumating ang oras ng panganganak ni Maria. At isinilang niya ang kanyang panganay na lalaki, binalot niya ito ng lampin at inihiga sa sabsaban, sapagkat walang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.

Read full chapter