Add parallel Print Page Options

Aling tao sa inyo, (A)na kung mayroong isang daang tupa, (B)at mawala ang isa sa mga yaon ay hindi iiwan ang siyam na pu't siyam sa ilang, at (C)hahanapin ang nawala, hanggang sa ito'y kaniyang masumpungan?

At pagka nasumpungan niya, ay pinapasan niya sa kaniyang balikat, na natutuwa.

At paguwi niya sa tahanan, ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang mga kapitbahay, na sasabihin sa kanila, Makipagkatuwa kayo sa akin, sapagka't nasumpungan ko ang aking tupang nawala.

Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kay sa siyam na pu't siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang magsipagsisi.

Read full chapter

“Sino sa inyo na may isandaang tupa at mawala ang isa, ang hindi mag-iiwan sa siyamnapu't siyam sa ilang at maghahanap sa nawala hanggang ito'y matagpuan? Kapag natagpuan na niya ito ay nagagalak niya itong papasanin, at pagdating sa bahay ay aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat natagpuan ko ang aking nawalang tupa.’ Sinasabi ko sa inyo, sa gayunding paraan, magkakaroon ng higit pang kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisi kaysa siyamnapu't siyam na matutuwid na hindi nangangailangan ng pagsisisi.”

Read full chapter