Add parallel Print Page Options

24 Pagka (A)ang karumaldumal na espiritu ay lumabas sa isang tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig, na humahanap ng kapahingahan, at pagka hindi makasumpong, ay sinasabing, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko.

25 At pagdating niya ay nasusumpungang walis na at nagagayakan.

26 Kung magkagayo'y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama pa kay sa kaniya; at sila'y nagsisipasok at nagsisitahan doon: at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una.

Read full chapter

Ang Pagbabalik ng Maruming Espiritu(A)

24 “Kapag lumabas sa isang tao ang maruming espiritu, gumagala ito sa mga tuyong lugar upang maghanap ng mapagpapahingahan. At kapag wala itong matagpuan ay magsasabing, ‘Babalik na lang ako sa bahay na aking pinanggalingan.’ 25 Pagdating nito at nakitang nawalisan at naayos na iyon, 26 aalis ito at magsasama ng pito pang espiritung mas masama sa kanya. Papasok sila at maninirahan doon. Kaya't nagiging mas masahol pa kaysa dati ang taong iyon.”

Read full chapter