Add parallel Print Page Options

38 Sa pagyaon nga nila sa kanilang lakad, ay pumasok siya sa isang nayon: at isang babaing nagngangalang (A)Marta, ay tinanggap siya sa kaniyang bahay.

39 At siya'y may isang kapatid na tinatawag na (B)Maria, na (C)naupo rin naman sa mga paanan ng Panginoon, at pinakikinggan ang kaniyang salita.

Read full chapter

Dinalaw ni Jesus sina Marta at Maria

38 Sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, pumasok si Jesus sa isang nayon. Isang babae roon, na ang pangala'y Marta, ang malugod na tumanggap kay Jesus sa kanyang bahay. 39 Mayroon siyang kapatid na babae na ang pangalan ay Maria, na naupo sa paanan ng Panginoon at nakinig sa mga sinasabi ni Jesus.

Read full chapter