Add parallel Print Page Options

At sila'y dadalhin niya sa saserdote, na ang ihahandog nito na pinaka handog dahil sa kasalanan, ay ang una (A)at pupugutin ang ulo sa leeg, nguni't hindi papaghihiwalaying bigla:

At magwiwisik siya ng dugo ng handog dahil sa kasalanan sa ibabaw ng gilid ng dambana; (B)at ang labis sa dugo ay pipigain (C)sa paanan ng dambana: handog nga dahil sa kasalanan.

10 At ihahandog niya ang ikalawa na pinaka handog na susunugin (D)ayon sa alituntunin: (E)at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan na kaniyang pinagkasalahan, at siya'y patatawarin.

Read full chapter