Add parallel Print Page Options

Ang batas ng handog para sa kapulungan.

13 (A)At kung ang buong kapisanan ng Israel ay magkasala, (B)at ang bagay ay malihim sa mga mata ng kapulungan, at sila'y nakagawa ng anoman sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at naging salarin;

14 Pagka nakilala ang kasalanan ng kanilang ipinagkasala, ay maghahandog nga ang kapisanan ng isang guyang toro na pinaka handog dahil sa kasalanan, at dadalhin sa harap ng tabernakulo ng kapisanan.

15 At (C)ipapatong ng mga matanda ng kapulungan, ang kanilang kamay sa ulo ng toro sa harap ng Panginoon: at papatayin ang toro sa harap ng Panginoon.

Read full chapter