Add parallel Print Page Options

15 At kung inyong tatanggihan ang aking mga palatuntunan, at kasusuklaman nga ninyo ang aking mga hatol, na anopa't hindi ninyo tutuparin ang lahat ng aking mga utos, kundi inyong sisirain ang aking tipan;

16 Ay gagawin ko naman ito sa inyo; ilalagay ko sa gitna ninyo ang sindak, at (A)pagkatuyo, at ang lagnat (B)na uubos sa mga mata, at magpapalupaypay sa kaluluwa: (C)at maghahasik kayo ng inyong binhi na walang kabuluhan, sapagka't kakanin ng inyong mga kaaway.

17 (D)At itititig ko ang aking mukha laban sa inyo, (E)at kayo'y masasaktan sa harap ng inyong mga kaaway: (F)kayo'y pagpupunuan ng mga napopoot sa inyo; (G)at kayo'y tatakas nang walang humahabol sa inyo.

Read full chapter