Add parallel Print Page Options

Batas laban sa kasagwaan.

10 (A)Ang lalake na mangalunya sa asawa ng iba, sa makatuwid baga'y yaong mangalunya sa asawa ng kaniyang kapuwa, ay papatayin na walang pagsala ang nangangalunya at ang napakalunya.

11 (B)At ang lalaking sumiping sa asawa ng kaniyang ama, ay kahubaran ng kaniyang ama ang kaniyang inilitaw: kapuwa sila papatayin na walang pagsala; mabububo ang dugo nila sa kanila.

12 (C)At kung ang isang lalake ay sumiping sa kaniyang manugang, ay kapuwa sila papatayin; (D)sila'y gumawa ng kahalayhalay; mabububo ang kanilang dugo sa kanila.

Read full chapter