Add parallel Print Page Options

17 (A)Huwag ninyong kapopootan ang inyong kapatid sa inyong puso; (B)tunay na inyong sasawayin ang inyong kapuwa, (C)at huwag kayong magtaglay ng kasalanan dahil sa kaniya.

18 (D)Huwag kayong manghihiganti o magtatanim laban sa mga anak ng inyong bayan, (E)kungdi iibigin ninyo ang inyong kapuwa na gaya ng sa inyong sarili: ako ang Panginoon.

19 Iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan. Huwag ninyong pagaasawahin ang dalawang hayop ninyong magkaiba; huwag kayong maghahasik (F)sa inyong bukid (G)ng dalawang magkaibang binhi; ni damit na hinabi na may magkahalong dalawang magkaibang kayo ay huwag kayong magsusuot.

Read full chapter