Add parallel Print Page Options

At (A)iwiwisik niya na makapito doon sa kaniya na lilinisin sa ketong, (B)at ipakikilalang malinis, at pawawalan ang ibong buháy sa kalawakan ng parang.

At siya na lilinisin ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magaahit ng lahat niyang buhok, at maliligo sa tubig; at magiging malinis: at pagkatapos ay papasok sa kampamento, (C)datapuwa't tatahan sa labas ng kaniyang tolda na pitong araw.

At mangyayaring sa ikapitong araw, ay muling magaahit ng lahat niyang buhok, sa kaniyang ulo, at sa kaniyang baba, at sa kaniyang kilay, na anopa't aahitin niya ang lahat niyang buhok; at kaniyang lalabhan ang kaniyang mga suot, at kaniyang paliliguan ang kaniyang laman sa tubig, at magiging malinis.

Read full chapter