Add parallel Print Page Options

22 At itinaas ni Aaron ang kaniyang mga kamay sa dakong bayan (A)at binasbasan niya; at bumaba siya na mula sa paghahandog ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan.

23 At pumasok si Moises at si Aaron sa tabernakulo ng kapisanan, at sila'y lumabas, at binasbasan ang bayan: (B)at lumitaw ang kaluwalhatian ng Panginoon sa buong bayan.

Read full chapter

23 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na sasabihin, (A)Sa ganitong paraan babasbasan ninyo ang mga anak ni Israel; inyong sasabihin sa kanila:

Read full chapter

Gayon sila (A)binasbasan ni Josue at pinagpaalam sila: at sila'y umuwi sa kanilang mga tolda.

Read full chapter

18 At nang makatapos si David na maghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, (A)kaniyang binasbasan ang bayan sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo.

Read full chapter

14 At ipinihit ng hari ang kaniyang mukha, at (A)binasbasan ang buong kapisanan ng Israel: at ang buong kapisanan ng Israel ay tumayo.

Read full chapter

27 Nang magkagayo'y (A)ang mga saserdote na mga Levita ay nagsitindig at (B)binasbasan ang bayan: at ang kanilang tinig ay narinig, at ang kanilang dalangin ay umilanglang sa kaniyang banal na (C)tahanan, hanggang sa langit.

Read full chapter