Add parallel Print Page Options

Ito ang magiging kautusan tungkol sa may ketong, sa kaarawan ng kaniyang paglilinis, (A)siya'y dadalhin sa saserdote:

At ang saserdote ay lalabas sa kampamento; at titingnan ng saserdote, at, narito, kung ang salot na ketong ay gumaling sa may ketong;

Ay ipagutos nga ng saserdote na ikuha siya na lilinisin, ng dalawang ibong malinis na buháy, at (B)kahoy na cedro, at (C)grana, at (D)hisopo;

Read full chapter

10 At sa ikawalong araw ay kukuha siya ng dalawang korderong lalake na walang kapintasan, at ng isang korderong babae ng unang taon na walang kapintasan, (A)at ng isang handog na harina na tatlong ikasangpung bahagi ng isang epa[a] ng mainam na harina na hinaluan ng langis, at ng isang log[b] na langis.

Read full chapter

Footnotes

  1. Levitico 14:10 Ang isang epa ay katimbang ng 30 litro.
  2. Levitico 14:10 Ang isang log ay katimbang ng 1/4 ng litro.

21 (A)At kung siya'y dukha at ang kaniyang kaya ay hindi aabot, ay kukuha nga siya ng isang korderong lalake na handog dahil sa pagkakasala, na aalugin upang itubos sa kaniya, at ng ikasampung bahagi ng isang epa na mainam na harina, na hinaluan ng langis na pinaka handog na harina, at ng isang log ng langis;

22 (B)At ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati, kung alin ang aabutin ng kaniyang kaya; at ang isa'y magiging handog dahil sa kasalanan, at ang isa'y handog na susunugin.

Read full chapter