Add parallel Print Page Options

47 (A)Upang lagyan ninyo ng pagkakaiba ang karumaldumal at ang malinis, at ang may buhay na makakain at ang may buhay na hindi makakain.

Read full chapter

(A)Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay.

(B)Ito ang mga hayop na inyong makakain: ang baka, ang tupa, at ang kambing,

Ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang lalaking usa, at ang mabangis na kambing, at ang pigargo, at ang antilope, at ang gamuza.

At bawa't hayop na may hati ang paa, at baak, at ngumunguya sa mga hayop, ay inyong makakain.

Gayon ma'y ang mga ito ay hindi kakanin sa mga ngumunguya, o sa baak ang paa: ang kamelyo, at ang liebre, at ang coneho, sapagka't sila'y ngumunguya, nguni't walang hati ang paa; mga marumi sa inyo;

At ang baboy, sapagka't may hating paa, nguni't hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo: ang laman nila'y huwag ninyong kakanin, (C)at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin.

At ang mga ito'y inyong makakain sa lahat ng nasa tubig: anomang may mga kaliskis at mga palikpik, ay inyong makakain:

10 At anomang walang kaliskis at palikpik, ay huwag ninyong kakanin; marumi nga ito sa inyo.

11 Sa lahat ng ibong malinis ay makakakain kayo.

12 Nguni't ang mga ito'y hindi ninyo makakain: ang aguila, at ang aguilang dumudurog ng mga buto, at ang aguilang dagat;

13 At ang (D)ixio, at ang halkon, at ang (E)lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;

14 At lahat na uwak ayon sa kanilang pagkauwak;

15 At ang avestruz, at ang chotacabras, at ang graviota, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;

16 Ang munting kuwago, at ang malaking kuwago, at ang kuwagong tila may sungay;

17 At ang pelikano, at ang buitre, at ang somormuho;

18 At ang ciguena at ang tagak, ayon sa kanilang pagkatagak; at ang abubilla, at ang kabagkabag.

19 At lahat ng may pakpak na umuusad, ay marumi sa inyo: (F)hindi kakanin.

20 Sa lahat ng ibong malinis ay kayo'y makakakain.

Read full chapter

11 Hindi ang pumapasok sa bibig ang siyang (A)nakakahawa sa tao; kundi ang lumalabas sa bibig, ito ang nakakahawa sa tao.

Read full chapter

15 Walang anomang nasa labas ng katawan ng tao, na pagpasok sa kaniya ay makakahawa sa kaniya; datapuwa't ang mga bagay na nagsisilabas sa tao yaon ang nangakakahawa sa[a]tao.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 7:15 Sa ibang mga Kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 16 Kung ang sinoman ay may pakinig na ipakikinig ay makinig.

18 At sinabi niya sa kanila, Kayo baga naman ay wala ring pagiisip? Hindi pa baga ninyo nalalaman, na anomang nasa labas na pumapasok sa tao, ay hindi nakakahawa sa kaniya;

Read full chapter

12 Na doo'y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit.

Read full chapter

15 At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, (A)Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.

Read full chapter

At nang yao'y aking titigan, ay pinagwari ko, at aking nakita ang mga hayop na may apat na paa sa lupa at mga hayop na ganid at ang mga nagsisigapang at mga ibon sa langit.

Read full chapter

Nguni't sumagot na ikalawa ang tinig mula sa langit, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.

Read full chapter

14 Nalalaman ko, at naniniwala akong lubos kay Jesus na Panginoon, (A)na walang anomang bagay na marumi sa kaniyang sarili: maliban na (B)doon sa nagaakala na ang anomang bagay ay marumi, sa kaniya'y marumi ito.

Read full chapter

Datapuwa't ang pagkain ay hindi magtataguyod sa atin sa Dios: ni hindi tayo masama, kung tayo'y di magsikain; ni hindi tayo lalong mabuti, kung tayo'y magsikain.

Read full chapter

16 Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo (A)tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol (B)sa kapistahan, o (C)bagong buwan o araw ng sabbath:

Read full chapter

21 Gaya ng: (A)Huwag dumampot, ni huwag lumasap, ni huwag humipo

Read full chapter

10 Palibhasa'y palatuntunan lamang na (A)ukol sa laman, na iniatang hanggang sa panahon ng pagbabago (gaya ng mga (B)pagkain, at mga inumin at sarisaring paglilinis).

Read full chapter