Levitico 10:17
Ang Biblia (1978)
17 (A)Bakit hindi ninyo kinain ang handog dahil sa kasalanan sa dakong santuario, yamang kabanalbanalang bagay at sa inyo'y ibinigay upang dalhin ang kasamaan ng kapisanan na itubos sa kanila sa harap ng Panginoon?
Read full chapter
Isaias 53:11
Ang Biblia (1978)
11 Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: (A)sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng (B)aking matuwid na lingkod ang marami; at (C)dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.
Read full chapter
Juan 1:29
Ang Biblia (1978)
29 Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, (A)ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!
Read full chapter
Mga Hebreo 9:28
Ang Biblia (1978)
28 Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan (A)upang dalhin ang mga kasalanan (B)ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas (C)ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.
Read full chapter
1 Pedro 2:24
Ang Biblia (1978)
24 Na siya rin ang (A)nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang (B)pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; (C)na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978