Add parallel Print Page Options

35 Si Pilato ay sumagot, Ako baga'y Judio? Ang iyong sariling bansa at ang mga pangulong saserdote ang sa iyo'y nagdala sa akin: anong ginawa mo?

36 Sumagot si Jesus, (A)Ang kaharian ko ay hindi (B)sa sanglibutang ito: kung ang kaharian ko ay sa sanglibutang ito, ang aking mga alipin nga ay makikipagbaka, upang ako'y huwag (C)maibigay sa mga Judio: nguni't ngayo'y ang aking kaharian ay hindi rito.

37 Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga'y hari? Sumagot si Jesus, (D)Ikaw ang nagsasabing ako'y hari. (E)Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa (F)sanglibutan, upang bigyang patotoo ang katotohanan. (G)Ang bawa't isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.

Read full chapter