Add parallel Print Page Options

Kung kayo'y magsipanatili sa akin, at ang mga salita ko'y magsipanatili sa inyo, ay (A)hingin ninyo ang anomang inyong ibigin, at gagawin sa inyo.

Read full chapter

Kung nananatili kayo sa akin, at ang mga salita ko'y nananatili sa inyo, hilingin ninyo anumang ibig ninyo, at ito'y ipagkakaloob sa inyo.

Read full chapter

16 Ako'y hindi ninyo hinirang, nguni't kayo'y (A)hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayo'y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang (B)anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo.

Read full chapter

16 Hindi kayo ang pumili sa akin sa halip ako ang pumili sa inyo. Isinugo ko kayo upang humayo at mamunga ng mga bungang nananatili sa inyo. Sa gayon, anumang hilingin ninyo sa Ama sa pangalan ko ay ipagkakaloob sa inyo.

Read full chapter

23 (A)At sa araw na yaon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anomang tanong. (B)Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo'y hihingi ng anoman sa Ama, ay ibibigay niya sa inyo sa aking pangalan.

24 Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihinging anoman sa pangalan ko: kayo'y magsihingi, at kayo'y tatanggap, (C)upang malubos ang inyong kagalakan.

Read full chapter

23 Sa araw na iyon, hindi na kayo hihingi pa sa akin ng anuman. Tinitiyak ko sa inyo, kung hihingi kayo sa Ama ng anuman sa aking pangalan, ibibigay niya sa inyo. 24 Hanggang ngayon hindi pa kayo humihingi ng anuman sa aking pangalan. Humingi kayo at kayo'y tatanggap upang ang inyong kagalakan ay maging ganap.

Read full chapter

(A)Magsihingi kayo, (B)at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan:

Read full chapter

Humingi, Humanap, Tumuktok(A)

“Hingin ninyo at ibibigay sa inyo. Hanapin ninyo at matatagpuan ninyo. Tumuktok kayo at kayo'y pagbubuksan.

Read full chapter