Add parallel Print Page Options

18 Kung kayo'y kinapopootan ng sanglibutan, ay inyong (A)talastas na ako muna ang kinapootan bago kayo.

19 Kung kayo'y taga sanglibutan, ay (B)iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't (C)sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan.

20 Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo'y aking sinabi, (D)Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung ako'y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din; kung tinupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din.

21 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo (E)dahil sa aking pangalan, (F)sapagka't hindi nila nakikilala ang sa akin ay nagsugo.

22 Kung hindi sana ako naparito (G)at nagsalita sa kanila, ay hindi sila magkakaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayo'y wala na silang madadahilan sa kanilang kasalanan.

23 Ang napopoot sa akin ay napopoot din naman sa aking Ama.

24 Kung ako sana'y hindi gumawa sa gitna nila (H)ng mga gawang hindi ginawa ng sinomang iba, ay hindi sana sila nangagkaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayon ay kanilang nangakita at kinapootan nila ako at ang aking Ama.

25 Nguni't nangyari ito, upang matupad ang salitang nasusulat sa (I)kanilang kautusan, (J)Ako'y kinapootan nila na walang kadahilanan.

26 Datapuwa't pagparito (K)ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin:

27 At kayo naman ay magpapatotoo, sapagka't kayo'y nangakasama ko (L)buhat pa nang una.

Read full chapter