Juan 14:28
Ang Biblia (1978)
28 Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa (A)ako'y pasasa Ama: sapagka't (B)ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.
Read full chapter
1 Corinto 3:23
Ang Biblia (1978)
23 At (A)kayo'y kay Cristo; at si Cristo ay sa Dios.
Read full chapter
1 Corinto 15:27-28
Ang Biblia (1978)
27 Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, (A)ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.
28 At kung ang lahat ng mga bagay ay (B)mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak (C)rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.
Read full chapter
Filipos 2:7-9
Ang Biblia (1978)
7 Kundi bagkus (A)hinubad niya ito, (B)at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:
8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, (C)na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.
9 (D)Kaya siya naman ay pinakadakila ng (E)Dios, at (F)siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978