Juan 14:23
Ang Biblia (1978)
23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, (A)at kami'y pasasa ka niya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.
Read full chapter
Juan 14:23
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
23 Sumagot si Jesus sa kanya, “Sinumang nagmamahal sa akin ay tutupad sa aking salita, at mamahalin siya ng aking Ama. Darating kami sa kanya at maninirahan kaming kasama niya.
Read full chapter
Juan 15:20
Ang Biblia (1978)
20 Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo'y aking sinabi, (A)Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung ako'y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din; kung tinupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din.
Read full chapter
Juan 15:20
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
20 (A)Tandaan ninyo ang salitang sinabi ko sa inyo: ‘Walang aliping mas dakila kaysa kanyang panginoon.’ Kung ako ay pinahirapan nila, pahihirapan din nila kayo. Kung sinunod nila ang salita ko, susunod din sila sa salita ninyo.
Read full chapter
Juan 17:6
Ang Biblia (1978)
6 Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao (A)na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila'y iyo, at sila'y ibinigay mo sa akin; at (B)tinupad nila ang iyong salita.
Read full chapter
Juan 17:6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Inihayag ko ang iyong pangalan sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila ay sa iyo, at ibinigay mo sila sa akin, at sinunod nila ang iyong salita.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.