Josue 22:8
Ang Biblia (1978)
8 At sinalita sa kanila, na sinasabi, Kayo'y bumalik na may maraming kayamanan sa inyong mga tolda, at may maraming hayop, may pilak, at may ginto, at may tanso, at may bakal, at may maraming kasuutan: magbahagi kayo sa inyong mga kapatid ng samsam sa inyong mga kaaway.
Read full chapter
Josue 22:8
Ang Biblia, 2001
8 at sinabi sa kanila, “Kayo'y bumalik sa inyong mga tolda na may maraming kayamanan, maraming hayop, pilak, ginto, tanso, bakal, at maraming kasuotan. Hatiin ninyo sa inyong mga kapatid ang nasamsam mula sa inyong mga kaaway.”
Read full chapter
1 Samuel 30:24
Ang Biblia (1978)
24 At sino ang didinig sa inyo sa bagay na ito? (A)sapagka't kung gaano ang bahagi ng lumusong sa pakikipagbaka, ay gayon ang bahagi ng naiwan (B)sa daladalahan: sila'y paraparang magkakabahagi.
Read full chapter
1 Samuel 30:24
Ang Biblia, 2001
24 Sino ang makikinig sa inyo sa bagay na ito? Sapagkat kung gaano ang bahagi ng lumusong sa labanan ay gayundin ang bahagi ng naiwan sa dala-dalahan. Sila'y magkakaroon ng pare-parehong bahagi.”
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.