Add parallel Print Page Options

Ang Bahagi ng Lipi ni Simeon

19 Pangalawang lumabas sa palabunutan ang bahagi ng lipi ni Simeon. Nasa loob ng lupain ng Juda ang lupaing ibinigay sa kanila. Sakop(A) nito ang Beer-seba, Seba at Molada; Hazar-shual, Bala at Ezem; Eltolad, Bethul at Horma; Ziklag, Beth-marcabot at Hazar-susa; Beth-lebaot at Saruhen—labingtatlong lunsod at bayan ang sakop nila.

Kasama rin ang apat na lunsod ng Ayin, Rimon, Eter at Asan at ang mga karatig-bayan nito. Sakop nito ang mga nayon sa paligid hanggang Baalat-beer o Rama ng Negeb. Ito ang lupaing napunta sa lipi ni Simeon bilang bahagi nila. Ang bahaging ito ay nasa loob ng teritoryo ng Juda; sapagkat ang lipi ni Juda ay tumanggap nang higit sa kanilang kinakailangan, ang bahagi nito ay ibinigay sa lipi ni Simeon.

Ang Bahagi ng Lipi ni Zebulun

10 Pangatlong lumabas sa palabunutan ang bahagi ng lipi ni Zebulun. Ang lupaing napunta sa kanila ay abot sa Sarid.[a] 11 Buhat dito ang kanyang hanggana'y umahong pakanluran patungo sa Marala, nagtuloy sa Dabeset, at sa batis na nasa silangan ng Jokneam. 12 Buhat din sa Sarid, ang hanggana'y pumasilangan hanggang sa Kislot-tabor, lumabas patungong Daberat, at umahon sa Jafia. 13 Buhat doon, nagpatuloy sa Gat-hefer, nagdaan ng Itcazin, lumabas sa Rimon, at lumikong patungo sa Nea. 14 Sa hilaga naman, ang hanggana'y lumikong patungo sa Hanaton, at nagtapos sa Kapatagan ng Jefte-el. 15 Ito ang mga lunsod ng Zebulun: Catat, Nahalal, Simron, Idala, Bethlehem—labindalawang lunsod kasama ang mga nayon nito. 16 Ang mga lunsod na ito at ang mga nayong sakop nila ang napapunta sa lipi ni Zebulun.

Ang Bahagi ng Lipi ni Isacar

17 Napunta sa lipi ni Isacar ang pang-apat na bahagi. 18 Sakop nito ang Jezreel, Kesulot at Sunem; 19 Hafaraim, Shion at Anaharat; 20 Rabit, Cision at Ebez; 21 Remet, En-ganim, En-hada at Beth-pazez. 22 Abot sa Tabor, sa Sahazuma at Beth-semes ang kanyang mga hangganan, at nagtapos sa Ilog Jordan. Labing-anim na lunsod, kasama ang kanilang mga sakop na nayon, ang nasasaklaw ng lupaing ito. 23 Ang mga lunsod at bayang ito ang bahaging napunta sa lipi ni Isacar.

Ang Bahagi ng Lipi ni Asher

24 Napunta naman sa lipi ni Asher ang ikalimang bahagi. 25 Sakop nito ang Helcat, Hali, Bethen at Acsaf; 26 ang Alamelec, Amad at Misal; abot sa Carmelo at sa Sihor-libnat ang hangganan sa kanluran. 27 Sa pasilangan naman, ang hanggana'y nagtungo sa Beth-dagon, at sa pahilaga, nagdaan sa gilid ng Zebulun at sa Kapatagan ng Jefte-el patungong Beth-emec at Neiel at nagtuloy sa Cabul. 28 Saklaw pa rin sa gawing hilaga ang Ebron, Rehob, Hamon, Cana at hanggang sa Dakilang Sidon. 29 Pagkatapos, ang hanggana'y lumikong patungo sa Rama, at nagtuloy sa Tiro, isang lunsod na napapaligiran ng pader; lumikong muli patungong Hosa, at nagtapos sa Dagat Mediteraneo. Kasama sa hilagang-silangan ng lupaing iyon ang Mahalab, Aczib, 30 Uma, Afec at Rehob—dalawampu't dalawang lunsod, kasama ang mga nayong sakop nila. 31 Ang mga lunsod at nayong ito ang naging bahagi ng mga angkan ng lipi ni Asher.

Ang Bahagi ng Lipi ni Neftali

32 Napunta naman sa lipi ni Neftali ang ikaanim na bahagi. 33 Buhat sa Helef, sa gubat ng mga punong roble sa Zaananim, ang hangganan nito'y nagtungo sa Adamineceb, lumampas ng Jabneel, nagtuloy sa Lacum at nagtapos sa Jordan. 34 Sa pakanluran naman, ang hanggana'y nagtungo sa Aznot-tabor at lumampas na papuntang Hucoca. Karatig ng lupaing ito sa timog ang lupain ng Zebulun, sa kanluran ang lupain ng Asher, at sa silangan ang Juda sa kabila ng Jordan. 35 Ito ang mga lunsod ng Neftali na may mga pader: Sidim, Ser, Hamat, Racat, Cineret, 36 Adama, Rama, Hazor, 37 Kades, Edrei, En-hazor, 38 Jiron, Migdal-el, Horem, Beth-anat at Beth-semes—labinsiyam na lunsod kasama ang mga nayong sakop nila. 39 Ang mga lunsod at nayong ito ang naging bahagi ng lipi ni Neftali.

Ang Bahagi ng Lipi ni Dan

40 Napapunta sa lipi ni Dan ang ikapitong bahagi. 41 Sakop nito ang mga sumusunod: Zora, Estaol, Ir-semes, 42 Saalabin, Ayalon, Itla, 43 Elon, Timna, Ekron, 44 Elteque, Gibeton, Baalat, 45 Jehud, Bene-berac, Gat-rimon, 46 Me-jarcon, Racon at ang lupaing nasa tapat ng Joppa. 47 May(B) mga lupain para sa lipi ni Dan na hindi pa nila nasasakop. Kaya't nang kulangin sila ng lupain, sinalakay nila ang Lesem, sinakop ito at nilipol ang mga tagaroon. Pagkatapos nilang makuha ang Lesem, pinalitan nila ang pangalan nito at tinawag na Dan, alang-alang kay Dan na kanilang ninuno. 48 Ang mga lunsod at nayong ito ang naging bahagi ng lipi ni Dan, at pinaghati-hatian ng mga angkang bumubuo ng lipi.

Ang Lupaing Ibinigay kay Josue

49 Matapos tanggapin ng mga Israelita ang kani-kanilang bahagi ng lupain, binigyan naman nila si Josue na anak ni Nun ng para sa kanya. 50 Ayon sa ipinag-utos ni Yahweh, ibinigay nila sa kanya ang lunsod na kanyang hiniling, ang Timnat-sera na nasa lupain ng Efraim. Muli itong itinayo ni Josue at doon siya nanirahan.

51 Ginawa ng paring si Eleazar at ni Josue na anak ni Nun ang pagbabahagi ng lupain sa pamamagitan ng palabunutan. Ginawa nila ito sa Shilo, sa harapan ni Yahweh, sa may pintuan ng Toldang Tipanan, katulong ang mga pinuno ng mga angkan. Sa ganitong paraan natapos ang pagbibigay sa bawat lipi ng kani-kanilang bahagi sa lupain.

Footnotes

  1. 10 Sarid: Sa ibang manuskrito'y Shadud .
'Josue 19 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang mana ng mga anak ni Simeon.

19 At ang ikalawang kapalaran ay napasa Simeon, sa lipi ng mga anak ng Simeon ayon sa kanilang mga angkan: (A)at ang kanilang mana ay nasa gitna ng mana ng mga anak ni Juda.

At kanilang (B)tinamo na pinakamana ang (C)Beer-seba, o Seba, at Molada;

At Hasar-sual, at Bala, at Esem;

At Heltolad, at Betul, at Horma;

At Siclag, at Beth-marchaboth, at Hasar-susa,

At Beth-lebaoth, at Saruhen: labing tatlong bayan pati ng mga nayon niyaon

Ain, Rimmon, at Eter, at Asan, apat na bayan pati ng mga nayon niyaon:

At ang lahat ng mga nayon na nasa palibot ng mga bayang ito hanggang sa Baalath-beer, Ramat ng Timugan. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan.

Mula sa bahagi ng mga anak ni Juda ang mana ng mga anak ni Simeon: sapagka't ang bahagi ng mga anak ni Juda ay totoong marami sa ganang kanila; kaya't ang mga anak ni Simeon ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kanilang mana.

Ang mana ng mga anak ni Zabulon.

10 At ang ikatlong kapalaran ay napasa mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan. At ang hangganan ng kanilang mana ay hanggang sa Sarid:

11 (D)At ang kanilang hangganan ay pasampa sa dakong kalunuran sa Merala, at abot sa Dabbeseth at mula roo'y abot sa batis na nasa harap ng Jocneam,

12 At paliko mula sa Sarid sa dakong silanganan na dakong sinisikatan ng araw hanggang sa hangganan ng Chisiloth-tabor, at palabas sa Dabrath, at pasampa sa Japhia;

13 At mula roon ay patuloy sa dakong silanganan sa Gith-hepher, sa Ittakazin; at palabas sa Rimmon na luwal hanggang sa Nea:

14 At ang hangganan ay paliko sa hilagaan na patungo sa Hanaton: at ang labasan niyaon ay sa libis ng Iphta-el;

15 At sa Catah, at sa Naalal, at sa Simron, at sa Ideala, at sa Beth-lehem: labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

16 Ito ang mana ng mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.

Ang mana ng mga anak ni Issachar.

17 Ang ikaapat na kapalaran ay napasa Issachar, sa mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan.

18 At ang kanilang hangganan ay hanggang sa Izreel, at Chesulloth, at Sunem,

19 At Hapharaim, at Sion, at Anaarath,

20 At Rabbit, at Chision, at Ebes,

21 At Rameth, at En-gannim, at Enhadda, at Beth-passes,

22 At ang hangganan ay abot sa Tabor, at Sahasim, at sa Beth-semes; at ang mga labasan ng hangganan ng mga yaon ay sa Jordan: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

23 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

Ang mana ng mga anak ni Aser.

24 At ang ikalimang kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan.

25 At ang kanilang hangganan ay Helchat, at Hali, at Beten, at Axaph,

26 At Alammelec, at Amead, at Miseal; at abot sa Carmel na dakong kalunuran at sa Sihorlibnath;

27 At paliko sa dakong sinisikatan ng araw sa Beth-dagon, at abot sa Zabulon, at sa libis ng Iphta-el na dakong hilagaan sa Beth-emec at Nehiel; at palabas sa Cabul sa kaliwa.

28 At Hebron, at Rehob, at Hammon, at Cana, (E)hanggang sa malaking Sidon,

29 At ang hangganan ay paliko sa Rama, at sa bayang nakukutaan ng Tiro; at ang hangganan ay paliko sa Hosa, at ang mga labasan niyaon ay sa dagat mula sa lupain ni Achzib;

30 Gayon din ang Umma, at Aphek, at Rehob: dalawang pu't dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

31 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.

Ang mana ng mga anak ni Nephtali.

32 Ang ikaanim na kapalaran ay napasa mga anak ni Nephtali, sa mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan.

33 At ang kanilang hangganan ay mula sa Heleph, mula sa encina sa Saananim, at sa Adamineceb, at sa Jabneel, hanggang sa Lacum; at ang mga labasan niyaon ay sa Jordan;

34 At ang hangganan ay paliko sa dakong kalunuran sa Aznot-tabor, at palabas sa Hucuca mula roon; at abot sa Zabulon sa timugan, at abot sa Aser sa kalunuran, at sa Juda sa Jordan na dakong sinisikatan ng araw.

35 At ang mga bayang nakukutaan ay Siddim, Ser, at Hamath, Raccath, at Cinneret,

36 At Adama, at Rama, at Asor,

37 At Cedes, at Edrei, at Enhasor,

38 At Iron, at Migdalel, Horem, at Beth-anath, at Beth-semes: labing siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

39 Ito ang mana ng lipi, ng mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

Ang mana ng mga anak ni Dan.

40 Ang ikapitong kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan.

41 At ang hangganan ng kanilang mana ay Sora, at Estaol, at Ir-semes,

42 At Saalabin, at (F)Ailon, at Jeth-la,

43 At Elon, at Timnath, at Ecron,

44 At Elteche, at Gibbethon, at Baalat,

45 At Jehul, at Bene-berac, at Gatrimmon,

46 At Me-jarcon, at Raccon pati ng hangganan sa tapat ng Joppa.

47 At ang hangganan ng mga anak ni Dan ay palabas sa dako roon ng mga yaon; sapagka't ang mga anak ni Dan ay sumampa at bumaka laban sa Lesem, at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak, at inari at tumahan doon, at tinawag ang Lesem, na Dan, ayon sa pangalan ni Dan, na kanilang ama.

48 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga yaon.

Ang mana ng mga anak ni Josue ay ang Timnath-sera.

49 Gayon kanilang tinapos ang pagbabahagi ng lupain na pinakamana ayon sa mga hangganan niyaon; at binigyan ng mga anak ni Israel ng mana si Josue na anak ni Nun sa gitna nila:

50 Ayon sa utos ng Panginoon ay kanilang ibinigay sa kaniya ang bayang kaniyang hiningi, ang (G)Timnath-sera sa lupaing maburol ng Ephraim: at kaniyang itinayo ang bayan at tumahan doon.

51 (H)Ito ang mga mana na binahagi ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel na pinakamana, sa pamamagitan ng pagsasapalaran sa (I)Silo sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. Gayon nila niwakasan ang pagbabahagi ng lupain.