Add parallel Print Page Options

Ang Lupaing Ibinigay sa Lahi ni Simeon

19 Ang ikalawang pinartihan ng lupa ay ang sambahayan ng lahi ni Simeon. Ang lupain nila ay nasa gitna ng lupaing ibinigay sa lahi ni Juda. Kasama rito ang Beersheba (o Sheba),[a] Molada, Hazar Shual, Bala, Ezem, Eltolad, Betul, Horma, Ziklag, Bet Marcabot, Hazar Susa, Bet Lebaot at Sharuhen – 13 bayan kasama ang mga baryo sa paligid nito. Dagdag pa rito ang Ayin, Rimon, Eter at Ashan – 4 na bayan, kasama ang lahat ng mga baryo sa paligid nito, hanggang sa Baalat Beer (na siyang Rama) sa Negev.

Ito ang lupaing natanggap ng lahi ni Simeon na hinati-hati ayon sa bawat sambahayan. Ang ibang bahagi ng lupang ito ay galing sa parte ng lahi ni Juda dahil ang ibinigay sa kanila ay sobrang maluwang para sa kanila. Kaya natanggap ng lahi ni Simeon ang kanilang lupain sa gitna ng lupain ng lahi ni Juda.

Ang Lupaing Ibinigay sa Lahi ni Zebulun.

10 Ang ikatlong pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Zebulun.

Ang hangganan ng lupain nila ay nagsimula sa Sarid. 11 Mula roon, papunta ito sa kanluran: sa Marala, sa Dabeshet, at patuloy sa daluyan ng tubig sa silangan ng Jokneam. 12 Mula sa kabilang bahagi ng Sarid, papunta ito sa silangan sa hangganan ng Kislot Tabor, at patuloy sa Daberat hanggang Jafia. 13 Mula roon, papunta ito sa silangan sa Gat Hefer, sa Et Kazin, sa Rimon at paliko papuntang Nea. 14 Ang hangganan ng Zebulun sa hilaga ay dumaraan sa Hanaton at nagtatapos sa Lambak ng Ifta El: 15 Lahat ay 12 bayan, kasama ang mga baryo sa paligid nito. Kasama rin ang mga bayan ng Katat, Nahalal, Shimron, Idala at Betlehem. 16 Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Zebulun na hinati ayon sa bawat sambahayan.

Ang Lupaing Ibinigay sa Lahi ni Isacar

17 Ang ikaapat na pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Isacar. 18 Ito ang mga lungsod na sakop nila: Jezreel, Kesulot, Shunem, 19 Hafaraim, Shion, Anaharat, 20 Rabit, Kishion, Ebez, 21 Remet, En Ganim, En Hada at Bet Pazez. 22 Ang hangganan ng lupain ay umaabot sa Tabor, Shahazuma at sa Bet Shemesh at nagtatapos sa Ilog ng Jordan – 16 na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito. 23 Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Isacar na hinati ayon sa bawat sambahayan.

Ang Lupaing Ibinigay sa Lahi ni Asher

24 Ang ikalimang pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Asher. 25 Ito ang mga bayan na sakop nila:

Helkat, Hali, Beten, Acshaf, 26 Alamelec, Amad at Mishal. Ang hangganan nitong lupain sa kanluran ay umaabot sa Carmel at Shihor Libnat, 27 paliko ito pasilangan papuntang Bet Dagon at umaabot sa Zebulun at sa Lambak ng Ifta El. Pagkatapos, papunta ito sa hilaga papuntang Bet Emek at Niel. Papunta pa ito sa hilaga hanggang Cabul, 28 Ebron,[b] Rehob, Hammon, Kana at hanggang sa Malaking Sidon. 29 Pagkatapos, liliko ito patungong Rama at sa napapaderang bayan ng Tyre, at papuntang Hosa, at nagtatapos sa Dagat ng Mediteraneo. Ang iba pang mga bayan na sakop nila ay ang Mehebel, Aczib, 30 Uma, Afek at Rehob – 22 bayan lahat, kasama ang mga bayan sa paligid nito. 31 Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Asher na hinati ayon sa bawat sambahayan.

Ang Lupaing Ibinigay sa Lahi ni Naftali

32 Ang ikaanim na pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Naftali.

33 Ang hangganan ng lupain nila ay nagsimula sa Helef at sa puno ng terebinto sa Zaananim papuntang Adami Nekeb at Jabneel hanggang sa Lakum, at nagtapos sa Ilog ng Jordan.

34 Mula roon, paliko ito sa kanluran papuntang Aznot Tabor, pagkatapos sa Hukok, hanggang sa hangganan ng Zebulun sa timog, sa hangganan ng Asher sa kanluran at sa Ilog ng Jordan[c] sa silangan. 35 Ang mga napapaderang lungsod na sakop ng lupaing ito ay ang: Zidim, Zer, Hamat, Rakat, Kineret, 36 Adama, Rama, Hazor, 37 Kedesh, Edrei, En Hazor, 38 Iron, Migdal El, Horem, Bet Anat at Bet Shemesh – 19 na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito. 39 Iyon ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Naftali na hinati ayon sa bawat sambahayan.

Ang Lupaing Ibinigay sa Angkan ni Dan

40 Ang ikapitong pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Dan. 41 Ito ang mga bayan na sakop nila: Zora, Estaol, Ir Shemesh, 42 Shaalabin, Ayalon, Itla, 43 Elon, Timnah, Ekron, 44 Elteke, Gibeton, Baalat, 45 Jehud, Bene Berak, Gat Rimon, 46 Me Jarkon at Rakon, pati rin ang lupain na nakaharap sa Jopa. 47 Nahirapan ang mga lahi ni Dan sa pag-agaw ng lupain nila, kaya nilusob nila ang Leshem[d] at pinatay ang mga naninirahan dito. Naagaw nila ito at doon sila tumira. Pinalitan nila ang pangalan nito ng Dan ayon sa pangalan ng ninuno nilang si Dan.

48 Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Dan na hinati ayon sa bawat sambahayan.

Ang Lupaing Ibinigay kay Josue

49 Pagkatapos hatiin ng mga Israelita ang lupain nila, binigyan nila si Josue na anak ni Nun ng bahagi niya. 50 Ayon sa iniutos ng Panginoon, ibinigay nila sa kanya ang bayan na hinihiling niya – ang Timnat Sera sa kabundukan ng Efraim. Ipinatayo niyang muli ang bayan at doon tumira. 51 Ang naghati-hati ng lupain ay sina Eleazar na pari, Josue na anak ni Nun at ang mga pinuno ng bawat lahi ng Israel. Ginawa nila ito sa pamamagitan ng palabunutan sa presensya ng Panginoon, sa pintuan ng Toldang Tipanan doon sa Shilo. Kaya natapos na ang paghahati ng lupain.

Footnotes

  1. 19:2 Beersheba (o Sheba): o, Beersheba, Sheba.
  2. 19:28 Ebron: o, Abdon.
  3. 19:34 sa Ilog ng Jordan: Ito ang nasa tekstong Griego. Sa Hebreo, sa Juda, sa Ilog ng Jordan.
  4. 19:47 Leshem: o, Laish.
'Josue 19 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang mana ng mga anak ni Simeon.

19 At ang ikalawang kapalaran ay napasa Simeon, sa lipi ng mga anak ng Simeon ayon sa kanilang mga angkan: (A)at ang kanilang mana ay nasa gitna ng mana ng mga anak ni Juda.

At kanilang (B)tinamo na pinakamana ang (C)Beer-seba, o Seba, at Molada;

At Hasar-sual, at Bala, at Esem;

At Heltolad, at Betul, at Horma;

At Siclag, at Beth-marchaboth, at Hasar-susa,

At Beth-lebaoth, at Saruhen: labing tatlong bayan pati ng mga nayon niyaon

Ain, Rimmon, at Eter, at Asan, apat na bayan pati ng mga nayon niyaon:

At ang lahat ng mga nayon na nasa palibot ng mga bayang ito hanggang sa Baalath-beer, Ramat ng Timugan. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan.

Mula sa bahagi ng mga anak ni Juda ang mana ng mga anak ni Simeon: sapagka't ang bahagi ng mga anak ni Juda ay totoong marami sa ganang kanila; kaya't ang mga anak ni Simeon ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kanilang mana.

Ang mana ng mga anak ni Zabulon.

10 At ang ikatlong kapalaran ay napasa mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan. At ang hangganan ng kanilang mana ay hanggang sa Sarid:

11 (D)At ang kanilang hangganan ay pasampa sa dakong kalunuran sa Merala, at abot sa Dabbeseth at mula roo'y abot sa batis na nasa harap ng Jocneam,

12 At paliko mula sa Sarid sa dakong silanganan na dakong sinisikatan ng araw hanggang sa hangganan ng Chisiloth-tabor, at palabas sa Dabrath, at pasampa sa Japhia;

13 At mula roon ay patuloy sa dakong silanganan sa Gith-hepher, sa Ittakazin; at palabas sa Rimmon na luwal hanggang sa Nea:

14 At ang hangganan ay paliko sa hilagaan na patungo sa Hanaton: at ang labasan niyaon ay sa libis ng Iphta-el;

15 At sa Catah, at sa Naalal, at sa Simron, at sa Ideala, at sa Beth-lehem: labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

16 Ito ang mana ng mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.

Ang mana ng mga anak ni Issachar.

17 Ang ikaapat na kapalaran ay napasa Issachar, sa mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan.

18 At ang kanilang hangganan ay hanggang sa Izreel, at Chesulloth, at Sunem,

19 At Hapharaim, at Sion, at Anaarath,

20 At Rabbit, at Chision, at Ebes,

21 At Rameth, at En-gannim, at Enhadda, at Beth-passes,

22 At ang hangganan ay abot sa Tabor, at Sahasim, at sa Beth-semes; at ang mga labasan ng hangganan ng mga yaon ay sa Jordan: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

23 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

Ang mana ng mga anak ni Aser.

24 At ang ikalimang kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan.

25 At ang kanilang hangganan ay Helchat, at Hali, at Beten, at Axaph,

26 At Alammelec, at Amead, at Miseal; at abot sa Carmel na dakong kalunuran at sa Sihorlibnath;

27 At paliko sa dakong sinisikatan ng araw sa Beth-dagon, at abot sa Zabulon, at sa libis ng Iphta-el na dakong hilagaan sa Beth-emec at Nehiel; at palabas sa Cabul sa kaliwa.

28 At Hebron, at Rehob, at Hammon, at Cana, (E)hanggang sa malaking Sidon,

29 At ang hangganan ay paliko sa Rama, at sa bayang nakukutaan ng Tiro; at ang hangganan ay paliko sa Hosa, at ang mga labasan niyaon ay sa dagat mula sa lupain ni Achzib;

30 Gayon din ang Umma, at Aphek, at Rehob: dalawang pu't dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

31 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.

Ang mana ng mga anak ni Nephtali.

32 Ang ikaanim na kapalaran ay napasa mga anak ni Nephtali, sa mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan.

33 At ang kanilang hangganan ay mula sa Heleph, mula sa encina sa Saananim, at sa Adamineceb, at sa Jabneel, hanggang sa Lacum; at ang mga labasan niyaon ay sa Jordan;

34 At ang hangganan ay paliko sa dakong kalunuran sa Aznot-tabor, at palabas sa Hucuca mula roon; at abot sa Zabulon sa timugan, at abot sa Aser sa kalunuran, at sa Juda sa Jordan na dakong sinisikatan ng araw.

35 At ang mga bayang nakukutaan ay Siddim, Ser, at Hamath, Raccath, at Cinneret,

36 At Adama, at Rama, at Asor,

37 At Cedes, at Edrei, at Enhasor,

38 At Iron, at Migdalel, Horem, at Beth-anath, at Beth-semes: labing siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

39 Ito ang mana ng lipi, ng mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

Ang mana ng mga anak ni Dan.

40 Ang ikapitong kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan.

41 At ang hangganan ng kanilang mana ay Sora, at Estaol, at Ir-semes,

42 At Saalabin, at (F)Ailon, at Jeth-la,

43 At Elon, at Timnath, at Ecron,

44 At Elteche, at Gibbethon, at Baalat,

45 At Jehul, at Bene-berac, at Gatrimmon,

46 At Me-jarcon, at Raccon pati ng hangganan sa tapat ng Joppa.

47 At ang hangganan ng mga anak ni Dan ay palabas sa dako roon ng mga yaon; sapagka't ang mga anak ni Dan ay sumampa at bumaka laban sa Lesem, at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak, at inari at tumahan doon, at tinawag ang Lesem, na Dan, ayon sa pangalan ni Dan, na kanilang ama.

48 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga yaon.

Ang mana ng mga anak ni Josue ay ang Timnath-sera.

49 Gayon kanilang tinapos ang pagbabahagi ng lupain na pinakamana ayon sa mga hangganan niyaon; at binigyan ng mga anak ni Israel ng mana si Josue na anak ni Nun sa gitna nila:

50 Ayon sa utos ng Panginoon ay kanilang ibinigay sa kaniya ang bayang kaniyang hiningi, ang (G)Timnath-sera sa lupaing maburol ng Ephraim: at kaniyang itinayo ang bayan at tumahan doon.

51 (H)Ito ang mga mana na binahagi ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel na pinakamana, sa pamamagitan ng pagsasapalaran sa (I)Silo sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. Gayon nila niwakasan ang pagbabahagi ng lupain.