Add parallel Print Page Options

11 Mangagmadali kayo, at magsiparito kayong lahat na bansa sa palibot, at magpipisan kayo: iyong pababain doon ang iyong mga makapangyarihan, Oh Panginoon.

12 Magpakasigla ang mga bansa, at magsisampa sa (A)libis ni Josaphat; sapagka't doo'y uupo ako upang (B)hatulan ang lahat na bansa sa palibot.

13 Gamitin ninyo ang karit; (C)sapagka't ang aanihin ay hinog na: kayo'y magsiparito, at magsiyapak; sapagka't (D)ang alilisan ng alak ay puno, ang kamalig ng alak ay inaapawan; sapagka't ang kanilang kasamaan ay malaki.

Read full chapter