Add parallel Print Page Options

26 At kayo'y magsisikaing sagana, at mangabubusog, at inyong pupurihin ang pangalan ng Panginoon ninyong Dios, na gumawa ng kababalaghan sa inyo; at (A)ang aking bayan ay hindi mapapahiya kailan man.

27 At inyong malalaman na ako'y (B)nasa (C)gitna ng Israel, at ako ang Panginoon ninyong Dios, at wala nang iba; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya magpakailan man.

Ipinangako ang pagbubuhos ng Espiritu ng Panginoon.

28 At mangyayari pagkatapos, na (D)ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at (E)ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain:

Read full chapter