Add parallel Print Page Options

Pagdadalamhati Dahil sa Pagkasira ng Pananim

Ang aklat na ito ay naglalaman ng mensahe ni Yahweh sa pamamagitan ni Joel na anak ni Petuel.

Makinig kayo, matatandang pinuno,
    pakinggan ninyo ito, lahat ng nasa Juda.
May nangyari na bang ganito sa inyong panahon,
    o sa panahon ng inyong mga ninuno?
Isalaysay ninyo ito sa inyong mga anak,
    upang maisalaysay naman nila ito sa magiging mga anak nila,
    at sila ang magsasabi nito sa kasunod nilang salinlahi.

Pinagsawaan ng laksa-laksang balang ang mga pananim;
    kinain ng sumunod ang natira ng una.
Gumising kayo at tumangis, mga maglalasing!
    Umiyak kayo, mga manginginom!
    Sapagkat wala nang ubas na magagawang alak.

Sinalakay(A) ng makapal na balang ang ating lupain.
    Sila'y mapangwasak at di mabilang;
    parang ngipin ng leon ang kanilang mga ngipin.
Sinira nila ang ating mga ubasan
    at sinalanta ang mga puno ng igos.
Sinaid nila ang balat ng mga puno,
    kaya't namuti pati mga sanga.

Tumangis ka, bayan, gaya ng isang dalagang nagluluksa
    dahil sa pagkamatay ng binatang mapapangasawa niya.
Walang butil o alak na maihahandog sa Templo ni Yahweh;
    kaya't nagdadalamhati pati mga pari dahil wala silang maihandog kay Yahweh.
10 Walang maani sa mga bukirin,
nagdadalamhati ang lupa;
    sapagkat nasalanta ang mga trigo,
    natuyo ang mga ubas,
    at nalanta ang mga punong olibo.

11 Malungkot kayo, mga magsasaka!
Umiyak kayong nag-aalaga ng mga ubasan, trigo at sebada,
    sapagkat lahat ng pananim ay pawang nasalanta.
12 Natuyo ang mga ubasan, nalanta ang mga puno ng igos;
    ang mga punong granada, palma at mansanas—lahat ng punongkahoy ay natuyo;
at nawala ang kagalakan ng mga tao.
13 Magluksa kayo at tumangis,
    mga paring naghahandog sa altar.
Pumasok kayo sa Templo at magdamag na magluksa.
Walang trigo o alak na naihahandog sa inyong Diyos.
14 Iutos ninyo na mag-ayuno ang lahat.
    Tipunin ninyo ang mga tao.
Tipunin ninyo ang matatandang pinuno
    at ang lahat ng taga-Juda,
    sa Templo ni Yahweh na inyong Diyos
    at dumaing sa kanya.
15 Malapit(B) na ang araw ni Yahweh,
    ang araw ng pangwawasak ng Makapangyarihang Diyos.
16 Di ba't kitang-kita natin ang pagkasira ng mga pananim,
    at ang pagkapawi ng kagalakan at kasiyahan sa templo ng ating Diyos?
17 Hindi sumisibol ang mga binhi sa tigang na lupa.
Walang laman ang mga kamalig,
    at wasak ang mga imbakan, sapagkat ang mga trigo ay hindi sumibol.
18 Umungal ang mga baka
    sapagkat walang mapagpastulan sa kanila.
    Gayundin naman, ang mga kawan ng tupa ay wala na ring makain.
19 O Yahweh, dumaraing ako sa iyo,
    sapagkat natuyo ang mga pastulan,
    at ang mga punongkahoy ay parang sinunog ng apoy.
20 Maging ang mga hayop sa gubat ay dumaraing sa iyo
    sapagkat natuyo rin ang mga batis,
    at ang pastulan ay parang tinupok ng apoy.

'Joel 1 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang bayan ay masasalot ng balang.

Ang salita ng Panginoon na dumating kay Joel na anak ni Pethuel.

Dinggin ninyo ito, ninyong mga (A)matanda, at pakinggan ninyo, ninyong lahat na mananahan sa lupain. (B)Nagkaroon baga nito sa inyong mga kaarawan o sa mga kaarawan ng inyong mga magulang?

(C)Saysayin ninyo sa inyong mga anak, at saysayin ng inyong mga anak sa kanilang mga anak, at ng kanilang mga anak sa susunod na lahi.

Ang iniwan (D)ng tipaklong, ay kinain ng balang; at ang iniwan ng balang ay kinain ng uod; at ang iniwan ng uod ay kinain ng kuliglig.

Ang kabagsikan ng pagdalaw.

Magsibangon kayo, kayong mga manglalasing, at magsiiyak kayo; at manambitan kayo, kayong lahat na manginginom ng alak, dahil sa matamis na alak; (E)sapagka't nahiwalay sa inyong bibig.

Sapagka't (F)isang bansa ay sumampa sa aking lupain, malakas at walang bilang; ang kaniyang mga ngipin ay mga ngipin ng leon, at siya'y may bagang ng malaking leon.

Kaniyang iniwasak ang aking puno ng ubas, at ibinagsak ang aking puno ng igos: kaniyang tinalupang malinis at inihagis; ang mga sanga niyao'y naging maputi.

Managhoy ka na parang babaing nabibigkisan ng kayong magaspang dahil sa (G)asawa ng kaniyang kabataan.

Ang handog na harina (H)at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng Panginoon; ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, ay nangananangis.

10 Ang bukid ay sira, ang lupain ay (I)nahahapis; sapagka't ang trigo ay sira, ang bagong alak ay tuyo, ang langis ay kulang.

11 Mangahiya kayo, Oh kayong mga mangbubukid, manambitan kayo, Oh kayong mga maguubas, dahil sa trigo at dahil sa cebada; sapagka't ang pagaani sa bukid ay nawala.

12 Ang puno ng ubas ay natuyo, at ang puno ng higos ay nalalanta; ang puno ng granada, ang puno ng palma ay gayon din at ang puno ng manzanas, lahat ng punong kahoy sa parang ay tuyo; sapagka't ang kagalakan ay (J)nawala sa mga anak ng mga tao.

13 Mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, at magsipanaghoy kayong mga (K)saserdote; manambitan kayo, kayong mga tagapangasiwa ng dambana; halikayo, magsihiga kayo magdamag sa kayong magaspang, kayong mga tagapangasiwa ng aking Dios: sapagka't ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng inyong Dios.

14 (L)Mangaghayag kayo ng ayuno, magsitawag kayo (M)ng isang takdang kapulungan, inyong pisanin ang mga matanda at ang lahat na mananahan sa lupain sa bahay ng Panginoon ninyong Dios, at magsidaing kayo sa Panginoon.

15 Sa aba ng araw na yaon! sapagka't ang (N)kaarawan ng Panginoon ay malapit na, at darating na parang kagibaan na mula sa Makapangyarihan sa lahat.

16 Hindi baga ang pagkain ay nahiwalay sa ating mga mata, oo, (O)ang kagalakan at ang kasayahan ay nahiwalay sa bahay ng ating Dios?

17 Ang mga binhi ay nangabubulok sa kanilang bugal; ang mga kamalig ay nangakahandusay na sira, ang mga imbakan ay bagsak; sapagka't ang trigo ay natuyo.

18 Ganyan na lamang ang ungal (P)ng mga hayop! ang mga kawan ng mga hayop ay natitigilan, sapagka't wala silang pastulan; oo, ang mga kawan ng tupa ay (Q)nangapahamak.

19 Oh Panginoon, sa iyo'y dumadaing ako: sapagka't sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang, at sinunog ng liyab ang lahat na punong kahoy sa parang.

20 Oo, ang mga hayop sa bukid ay (R)nagsisihingal sa iyo; sapagka't ang mga batis ng tubig ay nangatuyo, at sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang.