Add parallel Print Page Options

37 “Dahil din dito'y nanginginig ang aking puso,
    at lumulundag sa kinalalagyan nito.
Dinggin ninyo ang tunog ng kanyang tinig,
    at ang sigaw na lumalabas sa kanyang bibig.
Kanyang ipinapadala mula sa silong ng buong langit,
    at ang kanyang kidlat sa mga sulok ng daigdig.
Kasunod nito'y dumadagundong ang kanyang tinig,
    siya'y kumukulog sa pamamagitan ng kanyang marilag na tinig,
    hindi niya pinipigil ang pagkulog kapag naririnig ang kanyang tinig.
Ang Diyos ay kumukulog na kagila-gilalas sa pamamagitan ng kanyang tinig;
    gumagawa siya ng mga dakilang bagay, na hindi natin mauunawaan.
Sapagkat sinasabi niya sa niyebe, ‘Sa lupa ikaw ay bumagsak,’
    at sa ambon at sa ulan, ‘Kayo ay lumakas.’
Ang kamay ng bawat tao ay tinatatakan niya,
    upang malaman ng lahat ng mga tao ang kanyang gawa.
Kung gayo'y papasok ang mga hayop sa kanilang tirahan,
    at namamalagi sa kanilang mga kublihan.
Mula sa silid nito ang ipu-ipo'y nanggagaling,
    at ang ginaw mula sa nangangalat na mga hangin.
10 Sa pamamagitan ng hininga ng Diyos ay ibinibigay ang yelo;
    at ang malawak na tubig ay mabilis na mamumuo.
11 Kanyang nilalagyan ng halumigmig ang makapal na ulap,
    pinangangalat ng mga ulap ang kanyang kidlat.
12 Sila'y umiikot sa pamamagitan ng kanyang patnubay,
    upang ang lahat na iutos niya sa kanila ay kanilang magampanan,
    sa ibabaw ng natatahanang sanlibutan.
13 Maging sa saway, o para sa kanyang lupa,
    o dahil sa pag-ibig iyon ay pinangyayari niya.

14 “Dinggin mo ito, O Job;
    tumigil ka, at bulayin mo ang kahanga-hangang mga gawa ng Diyos.
15 Alam mo ba kung paano sila inuutusan ng Diyos,
    at pinasisikat ang kidlat ng kanyang ulap?
16 Alam mo ba ang mga pagtitimbang sa mga ulap,
    ang mga kahanga-hangang gawa niya na sa kaalaman ay ganap?
17 Ikaw na mainit ang kasuotan
    kapag tahimik ang lupa dahil sa hangin mula sa timog?
18 Mailalatag mo ba, na gaya niya, ang himpapawid,
    na sintigas ng isang hinulmang salamin?
19 Ituro mo sa amin kung anong sa kanya'y aming sasabihin,
    dahil sa dilim ay hindi namin maayos ang aming usapin.
20 Sasabihin ba sa kanya na nais kong magsalita?
    Ninasa ba ng isang tao na malunok siya?

21 “At ngayo'y hindi makatingin ang mga tao sa liwanag,
    kapag maliwanag ang kalangitan,
    kapag ang hangin ay nakaraan, at ang mga iyon ay pinaram.
22 Mula sa hilaga ay nagmumula ang ginintuang karilagan,
    ang Diyos ay nadaramtan ng kakilakilabot na kadakilaan.
23 Ang Makapangyarihan sa lahat—hindi natin siya matatagpuan;
    siya'y dakila sa kapangyarihan at katarungan,
    at hindi niya susuwayin ang saganang katuwiran.
24 Kaya't kinatatakutan siya ng mga tao;
    hindi niya pinapahalagahan ang sinumang pantas sa sarili nilang kayabangan.”

'Job 37 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ipinakita ng Panginoon ang pagkawalang malay ni Job sa paglalalang at sa sumasangkap ng sanglibutan.

37 Oo, dahil din dito'y nanginginig ang aking puso,
At napapabago sa kaniyang kinaroroonang dako.
Dinggin ninyo oh dinggin ang hiyaw ng kaniyang tinig,
At ang sigaw na lumalabas sa kaniyang bibig.
Kaniyang ipinadadala sa silong ng buong langit,
At ang kidlat niya'y sa mga wakas ng lupa.
Sumunod nito'y isang hugong na dumadagundong;
(A)Siya'y kumukulog ng hugong ng kaniyang karilagan:
At hindi tumitigil doon kung naririnig ang kaniyang tinig.
Ang Dios ay kumukulog na kagilagilalas ng kaniyang tinig;
(B)Dakilang mga bagay ang ginawa niya, na hindi natin matalastas.
Sapagka't sinabi niya sa nieve, (C)Lumagpak ka sa lupa;
Gayon din sa ambon,
At sa bugso ng kaniyang malakas na ulan,
Tinatatakan niya ang kamay ng bawa't tao:
Upang maalaman ng lahat ng mga tao na kaniyang nilalang.
Kung gayo'y nagsisipasok (D)ang mga hayop sa mga lungga,
At namamalagi sa kanilang mga tahanan.
Mula sa timog nanggagaling ang bagyo:
At ang ginaw ay mula sa hilagaan.
10 (E)Sa pamamagitan ng hinga ng Dios ay nayayari ang hielo:
At ang kaluwangan ng tubig ay naiipit.
11 Oo, kaniyang nilalagyan ang masinsing ulap ng halomigmig;
Kaniyang pinangangalat ang alapaap ng kaniyang kidlat:
12 At pumipihit sa palibot sa pamamagitan ng kaniyang patnubay,
(F)Upang kanilang gawin ang anomang iutos niya sa kanila,
Sa ibabaw ng balat ng sanglibutang natatahanan:
13 Maging sa saway, o maging (G)sa kaniyang lupain,
O (H)maging sa kaawaan ay pinalilitaw niya.
14 Dinggin mo ito, Oh Job:
Tumigil ka, at bulayin ang kagilagilalas na mga gawa ng Dios.
15 Nalalaman mo ba kung paanong pinararatangan sila ng Dios,
At pinasisilang ang kidlat ng kaniyang alapaap?
16 Nalalaman mo ba ang mga pagtitimbang ng mga alapaap,
Ang kagilagilalas na mga gawa niya na (I)sakdal sa kaalaman?
17 Paanong umiinit ang inyong mga suot,
Pagka tumatahimik ang lupa sa pamamagitan ng hanging timugan?
18 (J)Mailalatag mo ba na kasama niya ang langit,
Na matibay na gaya ng isang salaming binubo?
19 Ituro mo sa amin kung anong aming sasabihin sa kaniya;
Sapagka't hindi namin maayos ang aming pananalita dahil sa kadiliman.
20 Sasaysayin ba sa kaniya na ako'y magsasalita?
O iisipin ba ng isang tao na siya'y sasakmalin?
21 At ngayo'y hindi nakikita ng mga tao ang makinang na liwanag na nasa mga langit:
Nguni't ang hangin ay dumadaan, at pinapalis ang mga yaon.
22 Karilagang ginto ay nagmumula sa hilagaan;
(K)May taglay ang Dios na kakilakilabot na karilagan.
23 Tungkol sa Makapangyarihan sa lahat, (L)hindi natin mauunawa;
Siya'y (M)marilag sa kapangyarihan;
At sa kahatulan at saganang kaganapan siya'y hindi pipighati.
24 (N)Kinatatakutan nga siya ng mga tao:
Hindi niya binibigyang pitagan ang sinomang (O)pantas sa puso.