Add parallel Print Page Options

Sa kahirapan ni Job ay tumututol siya dahil sa kalinisan ng kaniyang buhay.

31 Ako'y nakipagtipan sa aking mga (A)mata;
Paano nga akong titingin sa isang dalaga?
Sapagka't ano (B)ang bahagi sa ganang akin sa Dios mula sa itaas,
At ang mana sa Makapangyarihan sa lahat mula sa kaitaasan?
Hindi ba kasakunaan sa liko,
At kasawiang palad sa mga manggagawa ng kasamaan?
(C)Hindi ba niya nakikita ang aking mga lakad,
At binibilang ang lahat ng aking mga hakbang?
Kung ako'y lumakad na walang kabuluhan,
At ang aking paa ay nagmadali sa pagdaraya;
(Timbangin ako sa matuwid na timbangan,
Upang mabatid ng Dios ang aking pagtatapat;)
Kung ang aking hakbang ay lumiko sa daan,
At (D)ang aking puso ay lumakad ayon sa aking mga mata,
At kung ang anomang dungis ay kumapit sa aking mga kamay:
Kung gayo'y (E)papaghasikin mo ako, at bayaang kanin ng iba;
Oo, bunutin ang bunga ng aking bukid.
Kung ang aking puso ay napadaya sa babae,
At ako'y bumakay sa pintuan ng aking kapuwa:
10 Kung magkagayo'y iba ang ipaggiling ng aking asawa,
At iba ang yumuko (F)sa kaniya.
11 Sapagka't iya'y isang mabigat na (G)sala;
Oo, isang kasamaan na parurusahan ng mga hukom:
12 Sapagka't isang apoy na namumugnaw hanggang sa Pagkapahamak,
At bubunutin ang lahat ng aking bunga.
13 Kung hinamak ko ang katuwiran ng aking aliping lalake o aliping babae,
Nang sila'y makipagtalo sa akin:
14 Ano nga ang aking gagawin pagka bumabangon (H)ang Dios?
At pagka kaniyang dinadalaw, (I)anong isasagot ko sa kaniya?
15 (J)Hindi ba siyang lumalang sa akin sa bahay-bata ang lumalang sa kaniya;
At hindi ba iisa ang humugis sa atin sa bahay-bata?
16 Kung pinagkaitan ko ang dukha sa kanilang nasa,
O (K)pinangalumata ko ang mga mata ng babaing bao:
17 O kumain akong magisa ng aking subo,
At ang ulila ay hindi kumain niyaon;
18 (Hindi, mula sa aking kabataan ay lumaki siyang kasama ko, na gaya ng may isang ama,
At aking pinatnubayan siya mula sa bahay-bata ng aking ina;)
19 Kung ako'y nakakita ng sinomang nangangailangan ng kasuutan,
O ng mapagkailangan ng walang kumot;
20 Kung hindi ako (L)pinagpala ng kaniyang mga balakang,
At kung siya'y hindi nainitan ng balahibo ng aking mga tupa:
21 Kung binuhat ko ang aking kamay (M)laban sa ulila,
Sapagka't nakita ko ang tulong sa akin sa pintuang-bayan:
22 Kung nagkagayo'y malaglag ang aking balikat sa abot-agawin,
At ang aking kamay ay mabali sa buto.
23 Sapagka't ang kasakunaang mula sa Dios ay (N)kakilabutan sa akin,
At dahil sa kaniyang karilagan ay wala akong magawa.
24 (O)Kung aking pinapaging ginto ang aking pagasa,
At sinabi ko sa dalisay na ginto, Ikaw ay aking tiwala;
25 (P)Kung ako'y nagalak sapagka't ang aking kayamanan ay malaki,
At sapagka't ang aking kamay ay nagtamo ng marami;
26 (Q)Kung ako'y tumingin sa araw pagka sumisikat,
O sa buwan na lumalakad sa kakinangan;
27 At ang aking puso ay napadayang lihim,
At hinagkan ng aking bibig ang aking kamay:
28 Ito may isang (R)kasamaang marapat parusahan ng mga hukom:
Sapagka't itinakuwil ko ang Dios na nasa itaas.
29 (S)Kung ako'y nagalak sa kasakunaan niyaong nagtatanim ng loob sa akin,
O nagmataas ako ng datnan siya ng kasamaan;
30 (T)(Oo, hindi ko tiniis ang aking bibig sa kasalanan
Sa paghingi ng kaniyang buhay na may sumpa;)
31 Kung ang mga tao sa aking tolda ay hindi nagsabi,
Sinong makakasumpong ng isa na hindi nabusog sa kaniyang pagkain?
32 (U)Ang taga ibang lupa ay hindi tumigil sa lansangan;
Kundi aking ibinukas ang aking mga pinto sa manglalakbay,
33 Kung aking tinakpan na gaya ni Adan ang aking mga pagsalangsang,
(V)Sa pagkukubli ng aking kasamaan sa aking sinapupunan;
34 Sapagka't aking kinatakutan ang lubhang karamihan,
At pinangilabot ako ng paghamak ng mga angkan.
Na anopa't ako'y tumahimik, at hindi lumabas sa pintuan—
35 (W)O mano nawang may duminig sa akin!
(Narito ang aking tala, sagutin (X)ako ng Makapangyarihan sa lahat;)
At mano nawang magkaroon ako ng sumbong na isinulat ng aking kaaway!
36 Tunay na aking papasanin ito sa aking balikat;
Aking itatali sa akin na gaya ng isang putong.
37 Aking ipahahayag sa kaniya ang bilang ng aking mga hakbang,
Gaya ng isang pangulo na lalapitan ko siya.
38 Kung ang aking lupa ay humiyaw laban sa akin,
At ang mga bungkal niyaon ay umiyak na magkakasama;
39 Kung kumain ako ng bunga niyaon na walang bayad,
O ipinahamak ko ang buhay ng mga may-ari niyaon:
40 Tubuan ng dawag (Y)sa halip ng trigo,
At ng mga masamang damo sa halip ng cebada.

Ang mga salita ni Job ay natapos.

'Job 31 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Iginiit ni Job ang Kanyang Katapatan

31 “Ako'y nakipagtipan sa aking mga paningin;
    paano nga akong titingin sa isang birhen?
Ano ang bahagi ko mula sa Diyos sa itaas,
    at ang aking mana mula sa Makapangyarihan sa lahat sa kaitaasan?
Hindi ba dumarating ang kapahamakan sa taong masasama,
    at ang kapahamakan sa mga masasama ang gawa?
Hindi ba niya nakikita ang aking mga lakad,
    at binibilang ang lahat ng aking mga hakbang?

“Kung ako'y lumakad ng may kabulaanan,
    at ang aking paa ay nagmadali sa panlilinlang;
timbangin ako sa matuwid na timbangan,
    at hayaang malaman ng Diyos ang aking katapatan!
Kung ang aking hakbang ay lumiko sa daan,
    at ang aking puso ay lumakad ayon sa aking mga mata,
    at kung ang anumang dungis ay kumapit sa aking mga kamay:
kung gayo'y papaghasikin mo ako, at bayaang iba ang kumain,
    at hayaang mabunot ang tumutubo para sa akin.

“Kung natukso sa babae ang puso ko,
    at ako'y nag-abang sa pintuan ng aking kapwa tao;
10 kung magkagayo'y hayaang iba ang ipaggiling ng aking asawa,
    at hayaang iba ang yumuko sa ibabaw niya.
11 Sapagkat isang napakabigat na pagkakasala iyon,
    isang kasamaan na parurusahan ng mga hukom;
12 sapagkat iyo'y isang apoy na tumutupok hanggang sa Abadon,
    at susunugin nito hanggang sa ugat ang lahat ng aking bunga.

13 “Kung tinanggihan ko ang kapakanan ng aking aliping lalaki o babae,
    nang sila'y dumaing laban sa akin,
14 ano nga ang aking gagawin kapag ang Diyos ay bumangon?
    Kapag siya'y nagtatanong, anong sa kanya'y aking itutugon?
15 Hindi ba siya na lumalang sa akin sa bahay-bata ang sa kanya'y lumalang?
    At hindi ba iisa ang humugis sa atin sa sinapupunan?

16 “Kung pinagkaitan ko ng anumang kanilang nasa ang dukha,
    ang mga mata ng babaing balo ay aking pinapanghina,
17 o ang aking pagkain ay kinain kong mag-isa,
    at hindi nakakain niyon ang ulila—
18 dahil, mula sa kanyang pagkabata ay pinalaki ko siya, na gaya ng isang ama,
    at aking pinatnubayan siya mula sa bahay-bata ng kanyang ina;
19 kung ako'y nakakita ng namatay dahil sa kakulangan ng suot,
    o ng taong dukha na walang saplot;
20 kung hindi ako binasbasan ng kanyang mga balakang,
    at kung sa balahibo ng aking mga tupa ay hindi siya nainitan;
21 kung laban sa ulila'y binuhat ko ang aking kamay,
    sapagkat nakakita ako ng tulong sa akin sa pintuan,
22 kung gayo'y malaglag nawa ang buto ng aking balikat mula sa balikat ko,
    at ang aking bisig ay mabali sa pinaglalagyan nito.
23 Sapagkat ang pagkasalanta mula sa Diyos ay aking kinatakutan,
    at hindi ko sana naharap ang kanyang kamahalan.

24 “Kung ako'y sa ginto nagtiwala,
    o tinawag ang dalisay na ginto na aking pag-asa,
25 kung ako'y nagalak sapagkat ang aking kayamanan ay malaki,
    o sapagkat ang aking kamay ay nagtamo ng marami;
26 kung ako'y tumingin sa araw kapag sumisilang,
    o sa buwan na gumagalaw na may karilagan,
27 at lihim na naakit ang aking puso,
    at hinagkan ng aking bibig ang kamay ko,
28 ito man ay kasamaang dapat parusahan ng mga hukom,
    sapagkat ako sana'y naging sinungaling sa Diyos na nasa itaas.

29 “Kung ako'y nagalak sa pagkawasak niyong sa akin ay nasuklam,
    o natuwa nang datnan siya ng kasamaan—
30 hindi ko hinayaang ang bibig ko'y magkasala,
    sa paghingi na may sumpa ng buhay niya—
31 kung ang mga tao sa aking tolda ay hindi nagsabi,
    ‘Sino bang hindi nabusog sa kanyang pagkain?’
32 ang dayuhan ay hindi tumigil sa lansangan;
    binuksan ko ang aking mga pinto sa manlalakbay—
33 kung aking ikinubli sa mga tao ang aking mga paglabag,
    sa pagkukubli ng aking kasamaan sa aking sinapupunan;
34 sapagkat aking kinatakutan ang napakaraming tao,
    at pinangilabot ako ng paghamak ng mga angkan,
    na anupa't ako'y tumahimik, at hindi lumabas sa pintuan—
35 o sana'y may duminig sa akin!
    (Narito ang aking pirma! Sagutin ako ng Makapangyarihan sa lahat!)
    At sana'y nasa akin ang sakdal na isinulat ng aking kaaway!
36 Tiyak na papasanin ko ito sa aking balikat;
    itatali ko sa akin na gaya ng isang korona;
37 aking ipahahayag sa kanya ang lahat kong mga hakbang,
    gaya ng isang pinuno ay lalapitan ko siya.

38 “Kung ang aking lupain ay sumigaw laban sa akin,
    at ang mga bungkal niyon ay umiyak na magkakasama;
39 kung kumain ako ng bunga niyaon na hindi nagbabayad,
    at naging dahilan ng pagkamatay ng mga may-ari niyon;
40 tubuan nawa ng dawag sa halip ng trigo,
    at ng masasamang damo sa halip ng sebada.”

Ang mga salita ni Job ay natapos.