Add parallel Print Page Options

17 “Malapit na akong mamatay; parang malalagot na ang hininga ko. Nakahanda na ang libingan para sa akin. Napapaligiran ako ng mga mangungutya. Kitang-kita ko kung paano nila ako kutyain. O Dios, tulungan nʼyo po ako na makalaya. Tanging kayo lang ang makakatulong sa akin. Isinara nʼyo ang isipan ng aking mga kaibigan para hindi sila makaunawa. Kaya huwag ninyong payagan na magtagumpay sila sa kanilang mga paratang sa akin. Katulad sila ng taong nandadaya sa kanyang mga kaibigan para magkapera, at ito ang magiging dahilan ng paghihirap[a] ng kanyang mga anak.

“Ginawa akong katawa-tawa ng Dios sa mga tao at dinuraan pa nila ang mukha ko. Nagdilim na ang paningin ko dahil sa matinding kalungkutan; halos butoʼt balat na ako, at halos kasingnipis na ng anino. Ang mga taong nag-iisip na sila ay matuwid ay nagtataka sa nangyaring ito sa akin. Akala nilaʼy masama ako at hindi makadios. Para sa kanila ang matuwid ay matatag ang pamumuhay at lalo pang nagiging matatag. 10 Pero hinahamon ko sila na minsan pa nila akong siyasatin. At tiyak na matutuklasan kong wala kahit isa sa kanila ang nakakaunawa. 11 Malapit nang matapos ang mga araw ko. Bigo ang mga plano koʼt hinahangad. 12 Pero sinasabi ng iba na baka sakaling maging mabuti rin ang kalagayan ko sa hinaharap, dahil sa kabila raw ng dilim ay may liwanag. 13 Ngunit kung ako man ay may pag-asa pa, doon ito sa lugar ng mga patay kung saan ako titira. At nais ko nang ilagay ang higaan ko sa madilim na lugar na iyon. 14 Ituturing kong ama ang libingan ko at ang mga uod ang siya kong ina at babaeng kapatid. 15 May pag-asa pa kaya ako? Sinong makapagsasabi na may pag-asa pa ako? 16 Kasama kong malilibing ang pag-asa ko. Magkakasama kami roon sa ilalim ng lupa.”

Footnotes

  1. 17:5 paghihirap: sa literal, pagkabulag.
'Job 17 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Si Job ay tumawag sa Dios, nguni't nanaghoy dahil sa kaniyang kaabaabang kalagayan.

17 Ang aking diwa ay nanglulumo, ang aking mga kaarawan ay natatapos,
(A)Ang libingan ay handa sa akin.
Tunay na may mga manunuya na kasama ako,
At ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi.
Magbigay ka ngayon ng sangla, panagutan mo ako ng iyong sarili;
(B)Sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin?
Sapagka't iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa:
Kaya't hindi mo sila itataas.
Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli,
Ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata.
Nguni't ginawa rin niya akong (C)kakutyaan ng bayan:
At niluraan nila ako sa mukha.
Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan.
At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino.
Mga matuwid na tao ay (D)matitigilan nito,
At ang walang sala ay babangon laban sa di banal.
Gayon ma'y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad,
(E)At ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas.
10 Nguni't tungkol sa inyong lahat, (F)magsiparito kayo ngayon uli;
At hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo.
11 (G)Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira,
Sa makatuwid baga'y ang mga akala ng aking puso.
12 Kanilang ipinalit ang araw sa gabi:
Ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman.
13 Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay;
Kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman:
14 Kung sinabi ko sa kapahamakan: Ikaw ay aking ama:
Sa uod: Ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae;
15 Nasaan nga ang aking pagasa?
At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita?
16 Lulusong sa mga pangawan (H)ng Sheol,
Pagtataglay ng (I)kapahingahan sa alabok.