Add parallel Print Page Options

Maikli ang Buhay ng Tao

14 “Ang tao, na ipinanganak ng babae
    ay may kaunting araw, at punô ng kaguluhan.
Siya'y umuusbong na gaya ng bulaklak, at nalalanta;
    siya'y nawawalang gaya ng anino, at hindi namamalagi.
At iyo bang iminumulat ang iyong mga mata sa isang gaya nito,
    at dinadala siya sa kahatulan na kasama mo?
Sinong makakakuha ng malinis na bagay mula sa marumi?
    Walang sinuman.
Yamang ang kanyang mga araw ay itinakda na,
    at ang bilang ng kanyang mga buwan ay nasa iyo,
    at iyong itinalaga ang kanyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;

ilayo mo sa kanya ang iyong paningin, at ikaw ay huminto,
    upang siya'y masiyahan sa kanyang araw tulad ng isang taong upahan.

“Sapagkat may pag-asa sa isang punungkahoy,
    na kung ito'y putulin ay muling sisibol,
    at ang sariwang sanga niyon ay hindi hihinto.
Bagaman ang kanyang ugat ay tumanda sa lupa,
    at ang tuod niyon ay mamatay sa lupa;
gayunma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol iyon,
    at magsasanga na gaya ng batang halaman.
10 Ngunit ang tao ay namamatay at ibinabaon;
    ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan siya naroon?
11 Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat,
    at ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
12 gayon ang tao ay humihiga at hindi na bumabangon;
    hanggang sa ang langit ay mawala, siya'y hindi na muling magigising,
    ni mapupukaw man sa kanilang pagkakatulog.
13 O sa Sheol ay ikubli mo ako nawa,
    itago mo ako hanggang sa ang iyong poot ay mawala,
    takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at ako'y iyong alalahanin!
14 Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya?
    Lahat ng araw ng aking pagpupunyagi ay ipaghihintay ko,
    hanggang sa dumating ang pagbabago ko.
15 Ikaw ay tatawag, at ako'y sasagot sa iyo;
    iyong nanasain ang gawa ng mga kamay mo.
16 Kung magkagayo'y bibilangin mo ang aking mga hakbang,
    at hindi mo babantayan ang aking kasalanan.
17 Ang aking pagsalangsang ay itatago sa isang lalagyan,
    at iyong tatakpan ang aking kasamaan.

18 “Ngunit ang bundok ay natitibag at nawawala,
    at ang bato ay inalis sa kinaroroonan niyon;
19 inaagnas ng tubig ang mga bato;
    tinatangay ng mga baha niyon ang alabok ng lupa;
    sa gayon mo winasak ang pag-asa ng tao.
20 Ikaw ay nananaig kailanman laban sa kanya, at siya'y pumapanaw;
    iyong binabago ang kanyang mukha, at iyong pinalayas siya.
21 Ang kanyang mga anak ay nagkaroon ng karangalan, at hindi niya nalalaman;
    sila'y ibinababa, ngunit hindi niya iyon nahahalata.
22 Ngunit ang sakit lamang ng kanyang katawan ay nagbibigay ng sakit sa kanya,
    at nagluluksa lamang siya para sa kanyang sarili!”

'Job 14 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ipinakilala ni Job ang kahinaan ng tao. Siya'y nanalangin upang makubli siyang sumandali hanggang makaraan ang poot ng Panginoon.

14 Taong (A)ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan.
Siya'y umuusli na gaya (B)ng bulaklak, at (C)nalalagas:
Siya rin nama'y tumatakas na (D)gaya ng anino, at hindi namamalagi.
At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, At ipinagsasama mo (E)ako upang hatulan mo?
(F)Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala.
Yayamang ang kaniyang mga kaarawan ay nangapasiyahan,
Ang bilang ng kaniyang mga buwan ay talastas mo,
At iyong hinanggahan ang kaniyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;
(G)Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin, upang siya'y makapagpahinga,
Hanggang sa maganap niya, na (H)gaya ng isang magpapaupa, ang kaniyang araw.
Sapagka't may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito'y putulin, ay sisibol uli,
At ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat.
Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa,
At ang puno niyao'y mamatay sa lupa;
Gayon ma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol,
At magsasanga na gaya ng pananim.
10 Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw;
Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?
11 Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat,
At ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
12 Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon:
(I)Hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon,
Ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.
13 Oh (J)ikubli mo nawa ako sa Sheol.
Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan,
Na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at iyong alalahanin ako!
14 (K)Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya?
Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako,
Hanggang sa dumating ang pagbabago.
15 (L)Ikaw ay tatawag, at ako'y sasagot sa iyo:
Ikaw ay magtataglay ng nasa sa (M)gawa ng iyong mga kamay.
16 (N)Nguni't ngayo'y binibilang mo ang aking mga hakbang:
Hindi mo ba pinapansin ang aking kasalanan?
17 Ang aking pagsalangsang ay natatatakan sa isang supot,
At iyong inilalapat ang aking kasamaan.
18 At tunay na ang bundok na natitibag, ay nawawala,
At ang bato ay napababago mula sa kinaroroonan niyaon;
19 Inuukit ng tubig ang mga bato;
Tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa:
Sa gayon iyong sinisira ang pagasa ng tao.
20 Ikaw ay nananaig kailan man laban sa kaniya at siya'y pumapanaw;
Iyong pinapagbabago ang kaniyang mukha, at iyong pinayayaon siya.
21 Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan, (O)at hindi niya nalalaman;
At sila'y ibinababa, nguni't hindi niya nahahalata sila.
22 Nguni't ang kaniyang laman sa kaniya ay masakit,
At ang kaniyang kaluluwa sa loob niya ay namamanglaw.