Add parallel Print Page Options

13 “Nakita koʼt napakinggan ang lahat ng sinabi ninyo, at itoʼy aking naunawaan. Ang alam ninyo ay alam ko rin. Hindi kayo nakahihigit sa akin. Pero hindi na ako makikipagtalo sa inyo tungkol sa kalagayan ko. Sa Makapangyarihang Dios ko na lang ito idudulog. Sapagkat pinagsisikapan ninyong gamutin ako ng kasinungalingan. Lahat kayoʼy parang manggagamot na walang silbi. Mas mabuti pang tumahimik na lang kayo. Iyan ang pinakamabuti nʼyong gawin.

“Pakiusap naman! Pakinggan ninyo ang katuwiran ko. Ipagtatanggol nʼyo ba ang Dios sa pamamagitan ng pagsisinungaling? Kumakampi ba kayo sa kanya? Ipagtatanggol ba ninyo siya? Kung siyasatin kaya kayo ng Dios, may kabutihan kaya siyang makikita sa inyo? Huwag ninyong isipin na madadaya ninyo siya tulad ng pandaraya ninyo sa mga tao. 10 Tiyak na sasawayin kayo ng Dios kahit na kinakampihan ninyo siya. 11 Hindi ba kayo natatakot sa kapangyarihan niya? 12 Ang mga binabanggit nʼyong kasabihan ay walang kabuluhan; itoʼy parang abo. Ang mga katuwiran nʼyo ay marupok gaya ng palayok.

13 “Tumahimik kayo habang nagsasalita ako, at anuman ang mangyari sa akin, bahala na. 14 Nakahanda akong itaya ang buhay ko. 15 Tiyak na papatayin ako ng Dios; wala na akong pag-asa. Pero ipagtatanggol ko pa rin ang aking sarili sa kanya. 16 Baka sakaling sa pamamagitan nito ay maligtas ako, dahil walang masamang tao na makakalapit sa kanya.

17 “Pakinggan ninyong mabuti ang sasabihin ko. 18 Ngayong handa na akong ipagtanggol ang sarili ko; alam kong mapapawalang-sala ako. 19 Sino ang makapagpaparatang na nagkasala ako? Kung mayroon nga, mananahimik na lang ako hanggang sa mamatay.

20 “O Dios, dalawang bagay lang ang hinihiling ko sa inyo, na kung ibibigay nʼyo sa akin ay hindi na ako magtatago sa inyo: 21 Tigilan nʼyo na ang pagpaparusa sa akin at huwag nʼyo na akong takutin ng mga nakakatakot na parusa ninyo. 22 Kausapin nʼyo ako at sasagot ako, o kayaʼy ako ang magsasalita sa iyo at sagutin nʼyo ako. 23 Anu-ano po ba ang mga nagawa kong pagkakamali at kasalanan? Sabihin nʼyo po sa akin ang aking pagkakamali at mga kasalanan. 24 Bakit umiiwas kayo sa akin at itinuturing nʼyo akong kaaway? 25 Bakit nʼyo ako tinatakot at hinahabol? Para lang akong dahon o tuyong ipa na tinatangay ng hangin. 26 Inililista nʼyo ang mabibigat na paratang laban sa akin at isinasama nʼyo pa ang lahat ng kasalanan ko noong bata pa ako. 27 Para nʼyong ikinadena ang aking mga paa. Bawat hakbang koʼy binabantayan nʼyo, at pati bakas ng paa koʼy sinusundan ninyo. 28 Kaya para na akong isang bagay na nabubulok o isang damit na sinisira ng amag.

'Job 13 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Pinararatangan ni Job ang kaniyang mga kaibigan ng maling pagtatanggol sa Dios.

13 Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata,
Ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa.
Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman:
Hindi ako huli sa inyo.
Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat,
At nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios.
Nguni't kayo'y (A)mapagkatha ng mga kabulaanan.
(B)Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.
Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat!
(C)At magiging inyong karunungan.
Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran,
At inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi.
Kayo ba'y mangagsasalita ng (D)kalikuan dahil sa Dios,
At mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya?
Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios?
Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios?
(E)Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya?
(F)O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya?
10 Walang pagsalang sasawayin niya kayo,
Kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao.
11 Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan,
At ang gulat sa kaniya ay sasa inyo?
12 Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang (G)abo,
Ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik.
13 Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita,
At paratingin sa akin ang darating.
14 Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman,
At aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay?
15 (H)Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin (I)siya:
Gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya.
16 Ito man ay magiging aking kaligtasan;
Sapagka't ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya.
17 Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita,
At ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig.
18 Narito, ngayon, aking inayos ang aking usap;
Talastas ko na ako'y matuwid.
19 (J)Sino ang makikipagtalo sa akin?
Sapagka't ngayo'y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga.
20 (K)Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin,
Kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha:
21 Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin;
At huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo.
22 Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot;
O papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin.
23 Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan?
(L)Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan.
24 (M)Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha,
At inaari mo (N)akong iyong kaaway?
25 Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin?
At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo?
26 (O)Sapagka't ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin,
At ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan:
27 (P)Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan,
At pinupuna mo ang lahat kong landas:
Ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa:
28 Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw,
Na parang damit na kinain ng tanga.