Add parallel Print Page Options

Nguni't tanungin mo ngayon ang mga hayop, at tuturuan ka nila:
At ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasaysayin sa iyo:
O magsalita ka sa lupa, at magtuturo sa iyo;
At ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo.
Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito,
Na (A)ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito?
10 (B)Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay,
At ang hininga ng lahat ng mga tao.
11 (C)Hindi ba lumilitis ng mga salita ang pakinig;
Gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain niya?
12 Nasa mga matanda ang karunungan,
At sa kagulangan ang unawa.
13 Nasa Dios ang karunungan at kakayahan;
Kaniya ang payo at pagkaunawa.
14 Narito, siya'y nagbabagsak at hindi maitayo uli;
(D)Siya'y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan.
15 Narito, (E)kaniyang pinipigil ang tubig at nangatutuyo;
Muli, kaniyang (F)binibitawan sila at ginugulo nila ang lupa.
16 Nasa kaniya ang kalakasan at ang karunungan,
Ang nadadaya at ang magdaraya ay kaniya.
17 Kaniyang (G)pinalalakad ang mga kasangguni na hubad sa bait,
At ginagawa niyang mga mangmang ang mga hukom.
18 Kaniyang kinakalag ang panali ng mga hari,
At binibigkisan ang kanilang mga baywang ng pamigkis.
19 Kaniyang pinalalakad na (H)hubad sa bait ang mga saserdote.
20 Kaniyang pinapagbabago ang pananalita ng napagtitiwalaan.
At (I)inaalis ang pagkaunawa ng mga matanda.
21 (J)Siya'y nagbubuhos ng kutya sa mga pangulo,
At kinakalag ang pamigkis ng malakas.
22 Siya'y naglilitaw ng mga malalim
na bagay mula sa kadiliman,
At inilalabas sa liwanag ang lihim ng kamatayan.
23 (K)Kaniyang pinararami ang mga bansa at mga nililipol niya:
Kaniyang pinalaki ang mga bansa, at mga dinala sa pagkabihag.
24 Kaniyang inaalis ang pangunawa mula sa mga pinuno ng bayan sa lupa,
At (L)kaniyang pinagagala sila sa ilang na doo'y walang lansangan.

Read full chapter