Add parallel Print Page Options

13 At ngayon, sapagka't inyong ginawa ang lahat ng gawang ito, sabi ng Panginoon, at nagsalita ako sa inyo, na ako'y bumabangong maaga at nagsasalita, nguni't hindi ninyo dininig: at aking tinawag kayo, nguni't hindi kayo sumagot:

14 Kaya't gagawin ko sa bahay na tinatawag sa aking pangalan, na inyong tinitiwalaan, at sa dakong ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga magulang, ang gaya ng aking ginawa sa Silo.

15 At akin kayong itatakuwil sa aking paningin, gaya (A)ng pagkatakuwil ko sa lahat ninyong mga kapatid, (B)sa buong binhi ni Ephraim.

Read full chapter